Isang movie na ka-join sa MMFF nagmulta

Usap-usapan na isa sa mga entries sa 2009 Metro Manila Film Festival ay sa December 27 pa matatapos ng bonggang-bongga. Kahit tapos na ang shooting ng pelikula, marami pang aayusin bago masabing tapos na tapos na ito at maipa­labas.

No choice ang producer ng movie kundi mag­mul­ta sa pagkaka-late ng kanyang entry. Ang da­ming aberyang hinarap ang pelikula habang sinu-shooting na ‘di kagagawan ng producer. Alam kaya ng cast ng movie na magmumulta ang kani­lang producer sa pagiging pasaway ng ilan sa kanila?

* * *

Hindi lang pala sa pagbibigay ng presscon ang suporta ni Mother Lily (kasabay ng presscon ng RVQ Film/Kaizz Ventures) kay Dolphy at sa peli­kula nitong Nobody, Nobody…But Juan. Kinuwento rin ni Dolphy sa press na tinulungan siya ng lady producer sa MTRCB sa eksenang naka-pampers siya.

Nabanggit din ni Dolphy na pino-promote rin niya ang Mano Po 6 kung saan kasama si Zsa Zsa Padilla at Ang Darling Kong Aswang ni Vic Sotto dahil mahal niya ito. Wish nitong kumita la­hat ang movie na kasali sa MMFF para muling sumigla ang movie industry.

Tuwang-tuwa pala kami sa poster ng Nobody, Nobody…But Juan dahil nakalagay ang picture ng buong cast. Kesehodang siksikan sila, at least, nasa poster ang mga litrato ng mga kasama ni Dolphy, kaya walang magrereklamo.

* * *

Tsika sa amin, disappointed si Jaya kina Diva Mon­telaba at Nina Kodaka ng Starstruck V dahil nang mag-guest sa Bandaoke, dinaan-daanan lang sila ni Allan K. Hindi nam­bati ang dalawa kahit ang hosts ng show na kanilang lalabasan. Nang kausapin ni Jaya si Diva, hindi tumitingin sa kanya.

Naalala namin ang tsika kay Princess Snell ng SSV pa rin na obviously, hindi kilala ang EP na si Helen Sese at parang wala lang na ipinakuha ang kanyang script. Hindi pa man tiyak na maka­kapasok sa showbiz at sisikat, may mga issue na ang tatlo. Sayang kung dahil sa maling attitude ay ‘di ma­­tutupad ang dream nilang maging artista.

* * *

Tiniyak na ni Sharon Cuneta ang pagsama sa December 24 parade ng Metro Manila Film Fes­ti­val at ang pagdalo sa awards night, manalo at matalo man siya sa napakahusay niyang per­formance sa Mano Po 6, her first movie sa Regal Entertainment, kung saan, inapi-api siya sa pangunguna ni Zsa Zsa Padilla.

Hindi na ang manalo ng acting award ang habol niya, pero proud siya na laging nano-nominate at nagbirong takot siya kay Krista Ranillo na may entry din at humirit na ang totoo’y gusto niyang manalo at maka-grandslam.

After Mano Po 6, magiging busy ang 2010 ni Sharon dahil may docu­men­tary siyang lalabas before her birthday on January 6. May post birthday concert din siya sa Araneta Coliseum sa Jan. 12. at lalabas din sa January ang first issue ng kanyang magazine na Sharon! under ABS-CBN Publishing at gagawa ng more movies dahil na-miss niya ang gumawa ng pelikula.

Show comments