Gulat ang rumehistro sa mukha ni Vandolph nu’ng salubungin namin siya sa labas ng Regal compound upang ibalita na nagbitiw na ang kanyang kuyang si Mark Anthony Fernandez sa Darna. Ang dahilan : Kailangan ni Mark ng pahinga bilang paghahanda sa pagpapa-opera ng kanyang bukol sa dibdib.
‘‘Ha, may cyst si Kuya Mark?’’ Gulat na balik-tanong ni Vandolph na humabol sa presscon ng Nobody, Nobody... But Juan with wife Jenny Salimao in tow. ‘‘Hindi kasi kami nakakapag-usap lately, eh,’’ katuwiran ng aktor na gumaganap bilang batang Eddie Garcia sa naturang MMFF entry.
As for Mark, hindi naman daw agad papatayin ang kanyang karakter bilang Eduardo, ang love interest ni Narda (Marian Rivera) sa naturang telefantasya. Tungkol naman sa lump na tumubo sa kanyang dibdib, benign at hindi naman daw ito life-threatening. Itatakda pa rin lang daw kung kelan siya sasailalim sa operasyon.
* * *
Kung tutuusin, hindi na kailangan pang sumali in last night’s telecast of TV5’s Who Wants To Be A Millionaire ang CNN Hero of The Year na si Efren Peñaflorida. After all, he was already one million pesos richer nu’ng makabalik sa bansa few weeks ago (na ginamit niyang pampatayo ng paaralan in his native Cavite).
But wait, take a look at the other WWTBAM hopefuls in the Saturday to come : Lucy Torres-Gomez (December 19), Senator Chiz Escudero (December 26) and Ruffa Gutierez (January 2). Pero teka, hindi naman pinag-uusapan dito ang kanila nang millions —worth holdings, but their chance to prove to all and sundry that their intelligence is just as radiant as their beauty and virility.
* * *
Aware kaya si Roxanne Guinoo that her co-workers are talking behind her back dahil sa kanyang hindi kanais-nais na attitude o pakikitungo sa mga ito?
My apologies to a TV host-actress if I have to renege on my ‘pinky promise’ na hindi ko ito isusulat dahil na rin sa kanyang pakiusap. Rumaraket pala ang dalawa sa isang show, kaya hindi maiiwasang maging ang mga kasamahan nila’y imbiyerna na rin kay Roxanne.
Bagama’t bawat tao naman daw ay merong mood swings, kakaiba raw ang kay Roxanne na kulang na lang sabihing sinasapian ng masamang espiritu. Kausapin mo siya’t iirapan ka lang daw niya, kaya tuloy dalang-dala na ang kanyang mga katrabaho na hindi na rin siya pinapansin sa set.
Sinegundahan din ito ng isa pang nakasama ni Roxanne sa isang programa, kung saan labing-apat na oras daw silang pinaghintay ng aktres sa set. At nang bumulaga si Roxanne, katuwiran niya for being late ay dahil na-ospital siya’t ayaw siyang payagan ng doktor na magtrabaho.
Sadly, wala raw nagawa ang staff sa prima donna attitude ni Roxanne na tila kinunsinti pa ng mga bossing ng network.