Akting ni Dingdong mas nabigyan ng highlight kesa kay Piolo

 Happy birthday muna kina Amy Austria at Senator Manny Villar.

Ngayon ang kanilang mga kaarawan. Nagpa-dinner na kagabi si Esmeng sa kanyang family and friends sa isang five star hotel sa Edsa.

Walang birthday party si Papa Manny dahil mas type niya na magkaroon ng quiet celebration sa piling ng kanyang pamilya.

* * *

Pang-kindergarten ang sey ni Ruffa Gutier­rez sa kissing scene nila ni Zoren Legaspi sa Ukay-Ukay episode ng Shake, Rattle & Roll X1.

Nagkailangan ang dalawa sa kanilang kissing scene, kesehodang may nakaraan sila.

Ipinagpaalam pa ni Ruffa kay Carmina Vil­laroel na magkakasama sila ni Zoren sa mga pro­mo guesting. Magkaibigan sina Ruffa at Car­mina kaya ayaw ni Ruffa na maapektuhan ng mga intriga ang kanilang friendship.

* * *

Parehong nagwakas noong Biyernes ang Lovers In Paris at ang Stairway To Heaven.

Pina­nood ko ang ending ng dalawang programa at mas type ko ang ending ng Stairway To Heaven.

Parehong magaling umarte sina Piolo Pas­cual at Dingdong Dantes pero mas nabig­yan ng bonggang highlight ang performance ni Ding­dong na ang galing-galing umiyak dahil hindi nalukot ang face niya sa kanyang mga crying scene.

Kinunan sa isang beach resort ang ending ng Stairway To Heaven. Ang ganda ng beach shore. Marami ang nagtatanong sa name ng beach resort pero asking pa ako dahil wiz ko alam ang location.

Bagay na bagay sina Rhian Ramos at Dingdong pero malabo na magkaroon sila ng love ­affair.

Knows ni Rhian na taken na si Dingdong ni Ma­rian Rivera. Hate ni Rhian na matawag na mang-aagaw kaya never siyang na-in love kay Dingdong.

* * *

May napa-ouch kaya sa makahulugang state­ment ni Jinkee Pacquiao na hindi tanggap sa kulturang Pilipino ang mga nakikiapid dahil conservative tayo?

I’m sure meron at alam niya kung sino siya!

Ang pagiging matatag sa mga pagsubok ang sik­reto kaya nalampasan ni Jinkee ang mga prob­­­­lema sa pagsasama nila ni Manny. Na­­­lo­­ka lang ako sa message ni Jinkee kay Krista na dapat, natuto na ito sa nangyari. It’s soo nakakaloka!

Show comments