MANILA, Philippines - Matapos pasikatin ang kantang Sana Ngayong Pasko, may bagong love song na swak ngayong Christmas season si Ariel Rivera, ang Narito na ang Pasko na komposisyon ng Jesuit musician priest Fr. Manoling Francisco.
Mula sa Sony Music Philippines, ang Paskong Walang Katulad, na isang special Ariel Rivera Deluxe Christmas album ay naglalaman ng iba pang kanta na natatangi sa Yuletide season tulad ng Paskong Nagdaan, Like a Kid This Christmas, A Place Called Home, at One More Gift.
Proud na proud ang balladeer sa album na ito. “The songs are carefully selected and they have distinct appeal that brings the best in everyone lalo na ngayong season of hope of love. This is my gift to those who continue to believe in Christmas and what it stands for — a very special gift of music filled with very personal family pictures through the years,” sabi ni Ariel.
Tatlong taon ang inabot bago naisagawa ang album ng singer at naging sulit naman dahil may nabuo na 16 tracks sa CD package na espesyal na dinisenyo ng photographer na si Ronnie Salvacion sa pag-supervise ni Ferdie Marquez.
Kasama pa rin sa Paskong Walang Katulad album ang signature song na Sana Ngayong Pasko na sa kasalukuyan ay ginamit na theme song ng bagong ChristmaSerye ng GMA 7.