MANILA, Philippines - Puwedeng i-enhance ang mood ngayong Christmas season dahil ang SM Supermalls, Sony Music Philippines, MYX, at 96.3 Easy Rock ay magdadala ng kakaibang musika ni Lenka — live — sa Dec. 11 sa SM Megamall Event Center, Dec. 12 sa SM Mall of Asia Main Mall Atrium, at sa Dec. 13 sa SM North EDSA Skydome. Lahat ng palabas ay magsisimula ng 5:00 PM. Siyempre, doon na mismo magpapapirma sa nabiling album ni Lenka.
“This will be my first time to be in Manila. I’m so excited to be there and I can’t wait to meet everyone,” pahayag ni Lenka sa record label niya.
Abangan ang mga sweet-sounding tunes ng Australian singer sa kanyang self-titled album: The Show, Trouble is a Friend, at ang new single na Knock Knock. Ang mga kanta ni Lenka, na based sa USA dahil busy sa solo career, ay na-feature sa mga TV shows na Old Navy Ads, Ugly Betty, Grey’s Anatomy, at 90210.
Nakatakda ring mag-guest si Lenka sa mga MYX shows at sa Sunday variety show na ASAP ’09 para sa promosyon ng album niya.