Marian siniraan na naman

MANILA, Philippines - Ayaw talagang tantanan ng intriga si Marian Rivera. Ginagawan na naman siya ng intriga.

May report na lumabas na ipinahiya raw ni Marian ang isang matanda doon sa Japan nang minsang magpunta ito doon.

“Wala pong ganung incident during the Darna visit sa Japan last November 21 to 23.

“Just to give you a brief background, bumisita po ang Darna sa Japan last November 21 to 23. Napakarami pong taong dumating. Diretso po si Mark Anthony (Fernandez) and Marian sa Japan from their taping.

“Wala po silang pahinga. Sa lahat po nang pinuntahan, the Darna stars accom­modated everybody. Kahit nasa 1,000 ang nagpa-picture at nagpa-autograph wala po silang tinanggihan. After po ng event, nag-dinner po sila then may lumapit po sa kanila para magpapa-picture and magpapa-sign.

“Inaccommodate po ang female guest who was with Tita Aster (Amoyo), hindi po siya matanda. Mga nasa 40s daw po. The female guest gave Marian three copies of their magazines. Yung 2 mags cover photo ang Darna and yung isa, ang cover photo raw ay si Dingdong (Dantes) at Rhian (Ramos). Marian declined to accept the third magazine politely. Hindi po itinapon o inihagis. Inabot po ni Marian pabalik sa female guest yung magazine. Nung makita ng mga nakapaligid kung bakit, nagkatawanan na lang kasi ibang show nga po yun,” buong kuwento ng isang malapit sa Darna star.

Nagpapatulong silang i-clarify ang issue dahil baka palakihin pa.

Minsan din kasi, kahit hindi totoo makapanira lang ang iba, sige lang ng sige.

Show comments