Dennis natsa-challenge sa kasosyalan ni Heart

Parang rom-com at hindi horror ang Ukay-Ukay episode ng Shake, Rattle & Roll 11 na bida sina Ruffa Gutierrez at Zoren Legaspi dahil puro pa-tweetum ang tanong sa dalawa sa una nilang presscon. Flashback ng nakaraan nilang relasyon ang mga sinagot nilang tanong and in fairness, nag-enjoy ang press sa kuwento ng dalawa.

Ipinaalala ni Ruffa kay Zoren na nilakad niya mula EDSA hanggang White Plains just to win her back and that night, nagkabalikan sila. Naalala rin ni Zoren na inakyat niya ang mataas na bakod ng bahay nina Ruffa para magkita lang sila.

Walang panghihinayang at masaya si Ruffa para kay Carmina at sa twins nila ni Zoren dahil naging mabuting asawa at ama raw ang actor. Nirerespeto niya ang relasyon ng dalawa, kaya nag-text muna si Ruffa kay Carmina para magpaalam kung puwedeng i-text si Zoren para mag-coordinate ang suot nila sa promo ng movie. Ikinatuwa ni Ruffa ang sagot ni Carmina na dumeretso na siyang mag-text kay Zoren.

Sabi rin ni Zoren, ‘di siya nagkaroon ng second thought na tanggapin ang project nang malamang si Ruffa ang makakasama. On Ruffa’s part, okey agad sa kanya ang suggestion ni Roselle Monteverde-Teo.

Inimbita ni Ruffa si Carmina sa premiere night ng SR&R 11 at maganda raw kung pagitnaan nila ni Carmina si Zoren sa upuan habang pinapanood nila ang pelikula.

* * *

Late si Dennis Trillo sa presscon ng SRO Cinemaserye presents Exchange Gift, hindi dahil na-trapik siya o nakalimutan ang presscon. Na-late ang actor dahil nagti-taping ng Bubble Gang at nang matapos, saka tumuloy sa presscon.

Ang nabanggit na shows ay dalawa lang sa limang shows ni Dennis sa GMA 7 at ngumiti lang ito nang biruin ng press na mabuti’t walang nag­rerek­lamo na ibang talent ng network sa rami ng kanyang shows. Nasa SOP, Darna, at StarStruck din siya, kaya Sunday to Friday siya napapanood at Saturday lang ang pahinga.

Hindi napapagod si Dennis sa rami ng trabaho dahil nag-i-enjoy siya na iba’t iba ang ginagawa at sa Exchange Gift na magsisimula na sa Huwebes.

Saka, inspirasyon niya si Heart Evangelista al­though hindi pa niya ito nililigawan. Masaya ang pag­sasama nila sa Mano Po 6 at sa Pasko, isa ang aktres sa mga reregaluhan ni Dennis.

Inamin ng actor na natsa-challenge siya sa pagi­ging sosyal ni Heart at dapat special ang kanyang Christmas gift.

Show comments