Rhian kinailangang mag-recharge

Sinabi ni Rhian Ramos na pagkatapos ng Stairway to Heaven ay pahinga muna siya sa paggawa ng soap opera. Lubhang napagod siya sa halos magkasabay na pagti-taping ng kanyang serye sa GMA 7 at pagsu-shooting ng Ang Panday ni Sen. Bong Revilla, Jr. kung kaya na-low batt siya, kailangan niyang mag-recharge. Pero hindi naman siya tuluyang mawawala sa paningin ng mga manonood, magi-guest pa rin siya sa mga palabas ng Siete.

“Nakakapagod pala gumawa ng magkasabay ng movie at TV series marami akong gustong gawin na hindi ko nagawa. Like there were offers to do indie films pero hindi kakayanin ng sked ko. I was also into martial arts, kailangan for my role in Ang Panday. I had a trainer pero personal pa rin akong tinuruan ni Sen. Bong ng mga moves.

“Now that we had taped all my scenes for Stairway and I had also wrapped up all shooting in Ang Panday, I can now do other things, one of which is to promote my album. I can also go to the gym regularly now. Natigil kasi ito, hindi ko maisingit sa dami ng trabaho,” sabi pa ng aktres na kasali sa Metro Manila Film Festival.

Nagulat din siya, hindi niya inakala na kakayanin niya ring maging isang action star sa pelikula ni Sen. Bong.

“Nagugulat din ako dahil marami pala akong puwedeng gawin bilang artista. Like doing action. Never mind the bruises, ’di bale na yung pagod. It’s fulfilling to know that I can give more,” dagdag pa niya.

* * *

Muli na namang nanaig, sa ikalawang pagkakataon, ang talab ng ‘agimat’ ni Pepe. Na­nguna muli ang rating ng Pe­peng Agimat noong nakaraang Sabado. Matatan­daang nanguna rin ang pilot episode na ka-back-to-back ng huling episode ng Tiagong Akyat.

Ayon sa ulat ng TNS National Survey, nananatili sa trono ang Pepeng Agimat bilang numero uno sa primetime dahil sa pagkakakamit nito ng 32.7% na rating. Kaya naman nabatid na ni Jolo Revilla na talagang patok ang kanyang pagganap bilang si Pepe. “Di ako maka­pa­ni­wala na sinubaybayan talaga ng mga manonood ang Pepeng Agimat. Napatunayan ko sa sarili ko na may ibubuga rin pala ako,” patawang ipinahayag ng aktor.

Samantala, inulan din ng mga magagandang reviews ang production value ng Pepeng Agimat. Nakikita kasi ang effort na pagandahin ito. Maganda ang texture at ang special effects. Credit should also be given to the director for a well-crafted action-fantasy series.

* * *

Best Drama Actor sa telebisyon si Coco Martin kamakailan lang. Ito ang kanyang kauna-unahang TV award sa kanyang mahigit tatlong taon sa mundo ng mainstream entertainment.

Unang ipinamalas ni Coco ang kanyang husay at talento sa indie film industry. Sa kanyang pagsabak sa mundo ng telebisyon at teleserye ay lalo pa siyang gumaling. Buong husay niyang nagampanan ang good-guy-turned-bad-guy role sa Tayong Dalawa. Nakuha niya ang atensyon ng marami dahil sa kanyang makatotohanang pagganap sa bawat eksena. At sa kanyang pinakabagong serye, sa ABS-CBN pa rin na Nagsimula sa Puso, muling ipinamalas niya ang kanyang ’di matatawarang galing sa pag-arte.

Samantala, sa pagpapatuloy ng kuwento ng trayanggulong pag-iibigan nina Jim (Jason Abalos), Carlo (Coco Martin) at Celina (Maja Salvador), mas titindi ang bawat tagpo. Masasaktan si Jim sa kato­to­ha­nang hindi pala niya anak si Jimbo. Sa kabilang dako, si Carlo ang magsasalba sa buhay ng na­mi­miligrong anak.

 Abangan ang gumagandang mga eksena sa Nagsimula sa Puso, Lunes hanggang Biyernes sa ABS-CBN.

Show comments