Naging instant ‘star’ ang ating kasamahan sa panulat na si Rey Pumaloy sa Talentadong Pinoy press edition ng TV5 nung nakaraang Huwebes (Dec. 3) ng gabi na ginanap sa PETA Theater sa Quezon City. Si Rey ang nag-impersonate sa dating beauty queen na Janina San Miguel.
Sa kalagitnaan ng pagrampa ni Rey kung saan ay kailangan niyang tanggalin ang suot na kapa, aksidenteng nakalas ang tali ng suot niyang bikini kaya tumambad sa audience ang hindi dapat makita na ikina-shock ng lahat kasama na rito ang TV host na si Ryan Agoncillo, ang scout masters at ang bumubuo ng jury. Agad tumakbo si Rey patungong backstage na sapu-sapo ang kanyang natanggal na bikini.
Mabuti na lamang at hindi live ang Talentadong Pinoy kaya puwedeng ma-edit ang part na ‘yon. Ganunpaman, muling binigyan si Rey ng second chance na ipamalas ang kanyang kakaibang talent at suwerte naman, siya ang tinanghal na grand winner ng gabing ‘yon at siya ang nakapag-uwi ng P30,000 grand prize. Pumangalawa si Leo Bukas na nag-ala Liza Minneli at pumangatlo si Glen Sibonga na nagpakitang-gilas naman bilang isang mahusay na aktor.
Bumilib ang lahat sa ipinakitang lakas ng loob ni Rey na animo’y walang nangyari.
* * *
Gaano kaya katotoo ang balitang lumulutang na lilipat umano ang Eat Bulaga sa TV5 kapag natapos na ang kontrata ng TAPE, Inc. (producer ng Eat Bulaga) sa Kapuso Network? Hindi maiwasan ang ganitong senaryo dahil host ng sarili niyang game show sa Singko si Vic Sotto at may programa doon ang anak niyang si Oyo Sotto.
Napag-alaman din naman na ibabalik umano ang self-starred and produced sitcom ni Vic na Ful Haus na dati nilang pinagtatambalan ng girlfriend niyang si Pia Guanio na nawala na sa ere at pinalitan ng Show Me Da Manny na pinagbibidahan ng People’s Champ na si Manny Pacquiao at Marian Rivera sa GMA 7.
Speaking of TV5, hindi kami magtataka kung isa sa mga araw na ito ay pumalo sa No. 2 o ‘di kaya sa No. 1 position dahil sa pagiging aggressive ng newly-acquired business ng kumpanyang pinamumunuan ng business tycoon na si Manny V. Pangilinan.
Ang mga talents and stars na napapanood sa Singko ay pinaghalong Dos at Siete. Kamakailan lamang ay pumirma na rin ng kontrata sa kanila ang TV host na si Paolo Bediones na walang regular show ngayon sa GMA 7 pagkatapos ng Survivor Philippines : Palau grand finals.
Samantala, hindi aware ang marami na si Paolo ang naka-discover kay Ryan Agoncillo kaya napasok nito ang hosting job sa telebisyon. Since 1993 ay magkaibigan na ang dalawa. Ang advantage naman ng mister ni Judy Ann Santos, may programa ito sa tatlong TV networks - may sitcom sila ni Juday (George and Cecil) sa ABS-CBN, kabilang na rin si Ryan sa noontime show na Eat Bulaga sa GMA 7 at may Talentadong Pinoy siya sa TV5.
Ang maganda kay Ryan, wala siyang exclusive contract sa isang TV network kaya puwede siyang magtrabaho sa alinmang TV stations.?
* * *
Mapantayan kaya ng 12-year-old award-winning singer na si Rhap Salazar ang tagumpay na tinatamasa ngayon ng world-class singer na si Charice Pempengco? Tulad ni Charice, sa Youtube rin napapanood ng sikat na talk show host sa Amerika na si Ellen Degeneres ang World Championship of the Performing Arts (WCOPA) junior grand champion na si Rhap na siyang naging daan para siya’y maimbitahan ni Ellen.
Sinabi rin umano ni Rhap kay Ellen na ang makapag-guest sa kanyang programa ang isa sa kanyang mga pangarap at natupad na ito. Umaasa si Rhap na mabibigyan din siya ng chance na makapag-guest sa programa ni Oprah Winfrey na very close ngayon kay Charice.
Inamin ni Rhap na si Charice ang namasahe sa kanya nang siya’y sumali sa WCOPA at ang megastar na si Sharon Cuneta naman ang sumagot sa pamasahe ng kanyang chaperon dad na si Emmanuel last July.
“Malaki ang utang na loob ko kay Ate Charice at kay Tita Sharon at sa manager kong si Tita Kitchie (Benedicto) dahil kung hindi dahil sa kanila, wala akong chance na makasali sa WCOPA,” pag-amin ng batang singing champion.