MANILA, Philippines - Ang leading beauty and skincare clinic, Flawless, na ini-endorso nina Richard Gutierrez, Judy Ann Santos, Lorna Tolentino, Yasmien Kurdi, Mark Herras, and Alyssa Alano ay magdiriwang na ng kanilang ikawalong taon ngayong buwan kaya ang countdown para sa pinakamalaking selebrasyon ay nagsimula na at papalapit na nang papalapit.
Sumusunod sa kanilang tagline na Less is More, simple lang ang mga promotions nila pero sangkaterba ang balik sa mga kliyente bilang pasasalamat. Mag-abang sa mismong anibersaryo sa kahit saan sa 31 clinics nila nationwide sa Dec. 8, ang kanilang National Flawless Day, para sa discount at exciting na offer.
Pero ang pinakamalaking promo ng Flawless ay ang kanilang Picture Flawless search na maaaring dumiskubre ng bagong mukha para maging susunod na Flawless Face na ipapaskil sa mga billboards sa buong bansa, bukod pa sa malaking premyo na tumataginting na P800,000 para sa dalawang mananalo. Kung may katanungan, tumawag sa 1-800-FLAWLES o bumisita sa isang branch ng Flawless.