MANILA, Philippines - Napa-cry talaga si Megastar Sharon Cuneta pagkatapos kunan ang finale scene ng Mano Po 6: My Mother’s Love sa Beijing Film Studios, China dahil ramdam na ramdam nito ang pagbibigay importansiya sa kanya ni Mother Lily Monterverde ng Regal.
Paano ba naman hindi iiyak si Mega, talagang sobrang bongga ang paghahanda na ginawa ng Regal para sa kanyang unang project?
Isipin n’yo, 200 na extras na taga-China ang kasama sa eksena with matching bonggang fireworks, firecrackers, at lion dance.
“Proud na proud talaga ako sa project na ‘to,” sabi pa ni Sharon. “Masaya ako dahil ang first project ko sa Regal, ganito kalaki at ganito kaganda.”
Sobrang pasasalamat din ni Shawie dahil lahat talaga ginawa nina Mother Lily at anak nitong si Roselle Monteverde-Teo upang maging maganda at ka-abang-abang talaga ang Mano Po 6, na sinasabi mismo ni Mother Lily na “pinakamaganda, pinakabongga, at pinakamalaki na Mano Po sa lahat.”
Halatang-halata naman talaga na hindi tinipid ang produksiyon, na umaabot daw sa P70 milyon ang budget. Obvious na obvious naman ito sa ganda ng pelikula – mula sa make up hanggang sa set hanggang sa props hanggang sa de-kalibreng pag-arte ng mga artista at sa nakakabilib na direksyon ni Joel Lamangan at panulat ni Roy Iglesias.
Sa shoot palang sa China, 80-katao ang pinalipad ni Mother Lily. Kasama rito ang iba pang mga artista ng pelikula tulad nina Divine Diva Zsa Zsa Padilla, Heart Evangelista, Ciara Sotto, Dennis Trillo, Nicole Uysiuseng, at John Manalo.
Nag-shooting sa loob ng tatlong araw ang cast and crew sa mga historical at popular tourist sites sa Beijing tulad ng Forbidden City, Temple of Heaven, Bird’s Nest Olympic Stadium at Great Wall.
Ang Mano Po 6: My Mother’s Love, official entry ng Regal.