Di mapaamin Piolo namimilipit pag tinatanong tungkol kay KC

MANILA, Philippines - Namimilipit si Piolo Pascual pag tinatanong kung ano ba ang totoo sa kanila ni KC Concepcion tutal naman ay matatapos na ang programa nilang Lovers In Paris kaya puwede na niyang sabihin kung ano ba talaga ang namamagitan sa kanila.

Kaso imbes na sumagot ng diretso ni Papa P, namimilipit na parang 15 anyos at para bang may magagalit pag may sinabi siya tungkol sa kanila ng anak ni Megastar Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.

Kung tutuusin, walang masama kung maging sila ni KC. Pareho silang walang sabit at nasa tamang edad na. Sinabi noon ni Piolo na kung sila man or kung magkakaroon man ng something between them, ayaw niyang ikuwento dahil baka lumabas na ginagamit lang nila for the promo ng LIP. Pero one week na lang, goodbye na sa ere ang Pinoy adaptation ng Koreanovela kaya pinipiga ni Tita Ethel Ramos ang tanong kung ano na ba talaga ang kanilang relasyon.

“Ok kami ni Kristina (tawag ng aktor kay KC) Gusto naming i-treasure kung anuman ang pinag­samahan namin. And we want to keep it to ourselves and too early to tell,” sagot ng aktor.

Pag si KC naman ang tinatanong, siyempre ang sinasabi niya, si Piolo ang kailangang tanungin. Pero natutuhan niya raw kay Piolo na mag-focus sa trabaho.

Pero contradicting ang statement ng mga taong nakapaligid sa kanila.

Si Zanjoe Marrudo, confident ang sagot sa tanong kung sila Piolo at KC na ba.

“Sila na,” mabilis na sagot agad ni Zanjoe na matalik na kaibigan ni Piolo kaya kahit may halong biro ang sinabi ay paniniwalaan mo.

Kahit ang director nilang si FM Reyes ay may mga sinabi na proof daw yun para mag-conclude na may something sa dalawa.

Like nung nasa Paris sila, sa eksena na ginawa nina Piolo at KC at nang minsang makita niya ang dalawa, umiiyak si KC at mainit naman ang ulo ni Piolo.

So hindi na kailangang umamin na sila na nga dahil obvious na raw.

Though si Assunta de Rossi, iba ang sinasabi. Ayon kay Assunta, wala naman daw sa kanyang binabanggit si KC.

Hinihintay ng lahat ang pag-amin ng dalawa. Iba siyempre kung sila mismo ang aamin di ba?

Anyway, after Lovers In Paris gusto pa rin nilang magkasama sa trabaho. May posibilidad sa pelikula next year pero uunahin daw muna ang pelikula ni KC with her dad Gabby Concepcion.

 Malungkot ang buong cast sa pagtatapos ng nasabing teleserye ng ABS-CBN na huling linggo na starting Monday.

o0o

Kahit pumirma ng tatlong taong kontrata sa GMA 7 si Bayani Agbayani, mananatili pa rin siya sa TV5 kung saan siya may programa.

Pero hindi na siya puwedeng tumanggap ng bagong show sa TV5 na ngayon ay powered na by MediaQuest na pag-aari ni Mr. Manny Pa­ngilinan.

“Exclusive contract ang pinirmahan ko sa GMA 7.”

At contrary sa akala ng marami, hindi naman pala siya nawalan ng trabaho noong mga panahong hindi siya natin napapanood sa ABS-CBN.

“May ginawa naman akong international movie. Saka on the side may mga shows naman ako here and abroad,” sabi ni Bayani. Actually, may binanggit siyang title ng movie pero nakalimutan ko. Hehehe. (SALVE V. ASIS)

Show comments