Kahit ayaw ng pamilya, Francis M. inilagay pa rin sa Walk of Fame

Akala ng marami ay tama na kay Katrina Halili na mabawian ng lisensiya si Dr. Hayden Kho, na ma­sisiyahan na itong malaman na hindi na ma­kakapag-practice bilang doctor ang lalaking sina­sabi niyang nagbigay sa kanya ng malaking ka­hi­hiyahan. Pero hindi pala, mas ikatutuwa niya ng la­bis at maituturing na pinakamalaking parusa para sa lalaking nanakit sa kanya ang makulong ito.

Ito ang ipinahayag ng aktres na muling bina­balikan ang pagiging isang kontrabida niya sa presscon ng pinakabagong season ng Darna ng GMA 7. Isa siya sa limang karagdagang kontra­bida na magpapahirap gabi-gabi sa buhay ng su­per heroine na ginagampanan ni Marian Rivera

* * *

Sulit ang paglipat ng Reyna ng Pelikula na si Susan Roces sa Kapuso network mula sa ABS-CBN dahil hindi siya support kundi bida sa pinaka-unang proyekto na ipinagkatiwala sa kanya, isang ChristmaSerye ang Sana Ngayong Pasko na magsisimulang mapanood sa Disyembre 7.

Gagampanan niya ang role ni Remedios, isang babaeng matagal nang nahiwalay sa kanyang pamilya, simula nang pa­la­yasin ito ng kan­yang asawa sa kanilang taha­nan dahil sa para­tang na pagtataksil.

Naging biktima siya ng Ondoy at sa kanyang pag-iisa, bumalik sa kan­yang alaala ang nai­wang pamilya.

Sana Ngayong Pas­ko is directed by Mike Tuviera na mata­gal nang pinangarap na maidirek sina Fernando Poe, Jr. sana at Susan Roces. Ka­hit wala na si FPJ, isang katuparan ng kan­yang dream ang maidi­rek kahit man lamang ang biyuda nito.

Kasama rin sa Christ­maSerye sina Ed­die Gu­tierrez, Car­mina Villaroel, Zoren Le­gaspi, Jo­mari Yllana, JC de Vera, Maxene Magalona, JC Tiuseco, Ynna Asistio, at Jacob Rica.

* * *

Kahit walang permiso ng kanyang pamilya, itu­tuloy ni German Moreno ang paglalagay ng pa­ngalan ng Master Rapper na si Francis Ma­ga­lona sa Walk of Fame Philippines Eastwood gaya nang nauna niyang balak.

Pero hindi nakasama ang star ni Francis M. sa 30 pangalan na inilagay sa pathwalk ng Eastwood nung unveiling nung Miyerkules, Dec. 1 na isi­nabay na rin sa pagdiriwang ng ika-4th anniver­sa­ry ng Walk of Fame Philippines dahil nga hinintay niya ang pagdalo ng mga naiwan ng rapper.

Hindi sila sumipot at nalaman ng Master Showman na hindi sang-ayon ang mga ito na ma­kasama si Francis M. sa unveiling. Katuwiran ng pamilya ay namatay na naman ito at hindi na ma­sa­saksihan ang mga pangyayari.

Show comments