Kahit ayaw ng pamilya, Francis M. inilagay pa rin sa Walk of Fame
Akala ng marami ay tama na kay Katrina Halili na mabawian ng lisensiya si Dr. Hayden Kho, na masisiyahan na itong malaman na hindi na makakapag-practice bilang doctor ang lalaking sinasabi niyang nagbigay sa kanya ng malaking kahihiyahan. Pero hindi pala, mas ikatutuwa niya ng labis at maituturing na pinakamalaking parusa para sa lalaking nanakit sa kanya ang makulong ito.
Ito ang ipinahayag ng aktres na muling binabalikan ang pagiging isang kontrabida niya sa presscon ng pinakabagong season ng Darna ng GMA 7. Isa siya sa limang karagdagang kontrabida na magpapahirap gabi-gabi sa buhay ng super heroine na ginagampanan ni Marian Rivera.
* * *
Sulit ang paglipat ng Reyna ng Pelikula na si Susan Roces sa Kapuso network mula sa ABS-CBN dahil hindi siya support kundi bida sa pinaka-unang proyekto na ipinagkatiwala sa kanya, isang ChristmaSerye ang Sana Ngayong Pasko na magsisimulang mapanood sa Disyembre 7.
Gagampanan niya ang role ni Remedios, isang babaeng matagal nang nahiwalay sa kanyang pamilya, simula nang palayasin ito ng kanyang asawa sa kanilang tahanan dahil sa paratang na pagtataksil.
Naging biktima siya ng Ondoy at sa kanyang pag-iisa, bumalik sa kanyang alaala ang naiwang pamilya.
Sana Ngayong Pasko is directed by Mike Tuviera na matagal nang pinangarap na maidirek sina Fernando Poe, Jr. sana at Susan Roces. Kahit wala na si FPJ, isang katuparan ng kanyang dream ang maidirek kahit man lamang ang biyuda nito.
Kasama rin sa ChristmaSerye sina Eddie Gutierrez, Carmina Villaroel, Zoren Legaspi, Jomari Yllana, JC de Vera, Maxene Magalona, JC Tiuseco, Ynna Asistio, at Jacob Rica.
* * *
Kahit walang permiso ng kanyang pamilya, itutuloy ni German Moreno ang paglalagay ng pangalan ng Master Rapper na si Francis Magalona sa Walk of Fame Philippines Eastwood gaya nang nauna niyang balak.
Pero hindi nakasama ang star ni Francis M. sa 30 pangalan na inilagay sa pathwalk ng Eastwood nung unveiling nung Miyerkules, Dec. 1 na isinabay na rin sa pagdiriwang ng ika-4th anniversary ng Walk of Fame Philippines dahil nga hinintay niya ang pagdalo ng mga naiwan ng rapper.
Hindi sila sumipot at nalaman ng Master Showman na hindi sang-ayon ang mga ito na makasama si Francis M. sa unveiling. Katuwiran ng pamilya ay namatay na naman ito at hindi na masasaksihan ang mga pangyayari.
- Latest