Your Songs ni Lea para sa mga binagyo

MANILA, Philippines - Ang Lea Salonga…Your Songs ng international singer-actress ang major concert na inihahanda bago magtapos ang 2009.

Pero bukod sa selebrasyon ni Lea Salonga, inihahandog din ang konsiyerto ng dalawang gabi ng pagtulong sa mga kababayang binaha ng husto ng mga nakaraaang bagyo sa maraming bahagi ng bansa.

Sa pamamagitan ng World Vision, si Lea ang tinatawag na Ambassador for Child Sponsorship ngayon, ang bawat parte ng mabibiling tiket ay makakatulong sa mga biktima nina Ondoy at Pepeng.

Ang AmbientMedia, producer ng Lea Salonga . . . Your Songs, ang special concert na gaganapin sa Dec. 11 at 12 sa PICC Plenary Hall, ang siyang nangalap ng mga natatanging song request na lumagpas sa 5,000 sa buong mundo at si Lea naman ang namili para sa kanyang repertoire.

Sasamahan ang dekalibreng mang-aawit ng 36-piece orchestra na FILharmoniKA sa ilalim ng baton ni Gerard Salonga. Magbibigay naman ng dagdag kasiyahan ang comedy concert queen na si Ms. AiAi delas Alas, kasama sina Richard Poon at ang award-winning dance group na Philippine All Stars.

Ang AmbientMedia din ang nag-produce ng Quick Change ni Jon Santos kasama ang The Company.

Mabibili na ang mga tiket sa Ticketworld outlets at maaaring bisitahin ang www.leayoursongs.com para sa mga detalye.

Show comments