Diva pansin na pansin!
Hindi puwedeng hindi mo mapansin si Diva Montelaba, isa sa napili ng GMA 7 para makasama sa Final 14 ng StarStruck 5 na iniharap at ipinakilala nila sa media kamakailan lamang.
Bukod sa nag-iisa siyang morena (mas gusto niyang tawaging maitim ang kulay niya), maganda ang dance moves niya, parang matagal nang nagsasayaw at parang hindi bagito sa Maynila bagaman at sinabi ng StarStruck host na si Raymond Gutierrez na first time niya sa Manila na kinumpirma naman niya.
“Matagal ko nang pangarap na mapunta ng Manila to pursue a career here pero, hindi ko kaya financially. Wala akong parents na maaasahan, tanging ang lola ko lang ang nakagisnan kong pamilya. Kaya ako I support us, myself mostly, by working, kahit anong trabaho pinapasok ko - kumakanta ako, nagsasayaw, tumutugtog ng gitara. I do modeling, sumasama ako sa mga gigs, kahit anong pagkakakitaan, pinapasok ko.
“Ang lola ko ang nag-suggest na sumali ako sa StarStruck. Because of it, I have to sacrifice my studies (tourism student in San Jose Recoletos in Cebu). Sabi ko babalikan ko, pag hindi ako napili.
“I never expected na mapipili ako dahil una, maitim ako. Dumating ang lola ko from Cebu bago ang final pilian. This gave me confidence.
“Sumali ako ng StarStruck because I believe, mapapayaman ako nito. It will give me a chance to build up a career here in the city,” sabi niya.
During the presentation, pinapili sila kung sino sa mga kasamahan nila ang itinuturing nilang biggest threat, wala ni isa mang pumili sa kanya.
“Okay lang na hindi nila inaakala na threat ako sa kanila but I will show them, ipapakita ko sa kanila ang magagawa ko. Sigurado ako, kundi man sila ma-threaten, magugulat sila,” may tiwalang sabi ng 18 taong gulang na finalist, may taas na 5’7” at nung nagsasayaw silang 14 sa stage ay pinakaba kami dahil nagmuntikang mahulog ang top part ng kanyang orange dress at ma-expose ang kanyang boobs.
I also choose the morena representative from Cebu dahil isa siya sa apat na pure Pinoy, halos lahat ay half-breeds kundi man totally walang dugong Pinoy at produkto ng worldwide auditions.
* * *
Si Zeryl Lim ang isa sa half breeds. Pinoy ang mom niya at half-Chinese naman ang dad. Pumasa siya sa Bahrain audition. Andun siya working as an executive secretary sa isang Greek businessman. Seven months na siya dun. Graduate siya sa Colegio de San Lorenzo sa kursong Business Ad.
Kailangang iwan niya ang trabahong nagbibigay sa kanya ng P48,000 buwan-buwan.
“Pero hindi pa ako nag-resign, nag-leave of absence lang ako. Kapag hindi ako napili, balak ko sanang balikan pero ngayong nasama ako sa Final 14, wala pa akong decision kung igi-give up ko ang work ko,” sabi ng 22 years old na umaming mas gusto niya rito sa ‘Pinas magtrabaho, kung mabibigyan siya ng opportunity. She invests her money sa real estate.
* * *
Ang 16 years old namang si Princess Snell ay umaming bago sa StarStruck ay nakabilang siya sa batch 16 ng Star Circle ng ABS CBN. Kasabayan niya sina Guji Lorenzana at Cheska Ortega. Napaanood na siya sa mga programang Kambal sa Uma at Your Song. Feel niya, hindi siya napo-promote ng husto ng ABS-CBN kaya nag-try siya sa GMA 7.
Second time na rin niyang sumali sa StarStruck. Nung first time na kung saan 14.
Separated na ang kanyang Pinay mom at British father simula pa nung six years old siya. Pareho nang may pamilya ang kanyang parents, may 12 kapatid siya sa ama at apat sa ina.
Kumukuha siya ng atensiyon among the others dahil sa away nila ng isa pang finalist, si Fianca Cruz.
“Di ko alam kung bakit ayaw niya akong makapasok sa Final 14. In fact she voted me out pero hindi sa akin nagsimula ang provocation, sumasagot lang ako,” paliwanag niya.
- Latest