Salamat sa Panginoon, naging matagumpay ang selebrasyon namin ng Walk of Fame Philippines sa Eastwood nung unang araw ng Disyembre. Matangi kay Sarah Geronimo na nasa abroad at may mga shows at ang pamilya ni Francis M. na hindi payag na makasali ang namayapang rapper sa Walk of Fame Philippines, dumating lahat ng 28 celebrities na naging karagdagan sa maraming celebrities na nauna nang binigyan namin ng star sa pathwalk ng Eastwood City four years ago.
Yes, apat na taong anibersaryo na ng Walk of Fame Philippines kaya pinilit kong pabonggahin ang selebrasyon.
Twenty eight nga lang pala ang nabigyan ng star dahil hindi dumating ang pamilya ni Francis Magalona. Hindi raw payag ang pamilya nito sa konsepto ng Walk of Fame Philippines . Nung una nga akala ko ayaw lang nilang dumalo pero, napag-alaman ko na talagang ayaw nilang pumayag na mabigyan ng star si Francis. Feeling nila, nagagamit ang namayapang rapper sa isang negosyo gayong patay na ito.
Nanindig ang balahibo ko, layunin ko lang ay i-imortalize ang nga artista at bigyang halaga ang mga naiambag nila sa industriya ng local showbiz. Walang sponsors na nagbibigay sa akin ng panggastos. Lahat ng gastos para rito ay mula sa aking bulsa.
Marami ang nagtatanong kung ano ang napapala ko rito. Sabi ko, kasiyahan lang. Bahagi ito ng pangarap kong maging City of Stars ang Quezon City at kung hindi man nabigyan ng katuparan ang Walk of Fame sa Quezon City Circle dahil may nauna nang plano para rito, masaya na ako na pinayagan itong mailagay sa Eastwood Libis at sa Mowelfund Plaza.
Wala akong ibang motibo rito. Bukod sa kanilang presence, wala akong hinihiling sa mga artistang inilalagay ko ang pangalan sa mga istrelya sa loob ng Eastwood City at maging sa Mowelfund Plaza.
Salamat sa ginawang pagdalo ng APO, pamilya ni Marky Cielo, Rey Valera, Rico J. Puno, Aiza Seguerra, Niño Muhlach, Jaclyn Jose, Cherry Pie Picache, Yul Servo, Hajji Alejandro, Luis Gonzales, Dingdong Avanzado, Isko Moreno, Jackielou Blanco, Ricky Davao, KC Concepcion na talagang bumalik ng bansa para lamang dito, John Lloyd Cruz, Gabby Concepcion, Ogie Alcasid, Janno Gibbs, Nonito Donaire, Basil Valdez, Michael V., Christian Bautista, Jose Mari Chan, at Jolina Magdangal.