Holiday cooking nasa DVD

MANILA, Philippines - Ngayong panahon ng Kapaskuhan, uso na naman ang gift-giving, simbang gabi at reunion kasama ang mga mahal sa buhay. Kaya kung nais n’yong mapadali ang pagluluto para sa mga nalalapit na salu-salo, narito na ang Chef Mom Rosebud’s Quickfire DVD Version 2 na perfect na perfect ngayong Pasko.

Matapos ang matagumpay na unang bersiyon ng Quickfire DVD, minabuti ng GMA Records & Home Video na maglabas ng panibagong edition na nagla­laman muli ng mga pawang masasarap subalit madaling gawin na gourmet meals.

Ang Chef Mom Rosebud’s Quickfire DVD Version 2 ay may 12 “Around the World” dishes na bagay na bagay ihain ngayong noche buena. Ilan na lamang dito ang Chicken Sub and Choco Banana Smoothies, Steak with Lemon Butter and Balsamic Glaze, Strawberry and Green Tea Cooler, Cajun Special Prawn Kebabs, and Lychee and Lemongrass Cooler, at iba pang nakakatakam na ulam na kayang-kayang gawin sa loob lamang ng 10 minuto.

May kasama pang Free Recipe Booklet ang DVD upang maging mas madali ang pagsunod sa mga step-by-step instructions na mula mismo kay Chef Rosebud Benitez.

Ang Chef Mom Rosebud’s Quickfire (volumes 1 and 2) ay mabibili sa halagang 250 pesos sa Astroplus, Astrovision, Odyssey, at SM Record bars sa buong bansa kaya puwedeng-puwede rin itong pang-regalo sa inyong mga kamag-anak o kaibigan na mahilig magluto.

Hatid ito ng GMA Records & Home Video.

Show comments