Kris nakakita ng bagong best friend para kay Noynoy?

SEEN : Ang interbyu kina Michelle Van Ei­mereen at Regine Velas­quez sa Australia.

Mas nagsasalita pa ng Tagalog si Michelle kesa kay Regine.

SCENE : Ang statement ni Kris Aquino na gusto niyang maging best friend ang CNN Hero of the Year na si Efren Peñaflorida.

May posibilidad na im­bita­han niya si Efren na iendorso ang kan­dida­tura ni Senator Noynoy Aquino.

SEEN : Ang memory gap ni Gian Magdangal. Hindi niya ma­tan­daan ang mga pangalan at mukha ng mga tao na palagi niyang naka­kasalamuha.

Malabong magtagal ang singing career ni Gian.

SCENE : Ang ABS-CBN ang Best TV Station of the Year ng 23rd Star Awards for Television.

Walang nagulat sa resulta dahil ipinalabas sa ABS-CBN ang awards night ng Philippine Movie Press Club (PMPC).

SEEN : Si Iza Calzado at ang kanyang boyfriend na si Atticus King sa Manila Peninsula Café noong Linggo.

SCENE : Si Patani ang tumanggap ng Best Comedy Show trophy ng Ful Haus sa Star Awards for TV.

Nakaalis na ang mga lead actors ng Ful Haus nang i-announce ang winner.

SEEN : Ang mga tattoos sa katawan ni Dennis Trillo. Marumi nang tingnan ang kanyang balat.

SCENE : Best Male Newscaster ng Star Awards for TV si Julius Babao.

Show comments