Songbird pumayag maging kontrabida

Sobrang thankful si Marian Rivera sa pag­payag ni Regine Velasquez na magkon­trabida sa Darna dahil ’di niya ini-expect na ang kagaya sa status ng Asia’s Songbird ay papayag maging kontrabida. Role ni Electra, the Queen of Planet Women, ang gagampanan ni Regine.

“Kapag nagkita kami ni Ate Regine, magpa­pa­salamat talaga ako na pumayag siyang mag­kontrabida. Hindi pa siya nagti-taping at ’di pa rin nagpi-pictorial dahil ginagawa pa ang costume niya,” sabi ni Marian.

Sa VTR ni Regine, sinabi nitong excited siyang makasama si Marian for the first time. “Feel­ing ko, ito na ang tatalo kay Darna. Sobrang nag-workshop ako kina Glaiza (de Castro) at Pau­leen (Luna) para sa role ko rito,” pagbibiro ni Regine.

Hindi lang si Regine ang pinasalamatan ni Marian, kundi ang lahat ng kontrabida ng Darna dahil kung wala ang mga ito, hindi magiging successful ang series. Hanggang February next year pa ang Darna at sa ganda ng idea ng mga writers, baka masundan pa ang pagpasok nina Regine, Jackie Rice (demonyita), Rochelle Pangilinan (manananggal), Akihiro Sato (bampira), at Katrina Halili (Serpina).

Samantala, kinumpirma na rin ni Marian na ang next soap niya sa GMA 7 ay reunion nila ni Dingdong Dantes pero hindi pa niya alam kung isa nga sa Endless Love series ang kanilang gagawin, basta sila na uli ang magtatambal.

* * *

Nakausap muli namin si Direk Joyce Bernal sa last presscon ng Stairway to Heaven at sabi nito, baka ang movie nina Regine Velasquez at Aga Muhlach na Of All the Things ang maging Valentine presentation ng GMA Films dahil co-producer sila ng Viva Films sa pelikula.

Naku, malulungkot ang mga fans ni Richard Gu­tierrez na every Valentine’s Day ay nasanay na may pinapanood silang pelikula ng aktor. Pero gina­gawa pa rin ng GMA Films na matuloy ang Va­­len­tine movie ni Richard na kung matutuloy, dapat simulan na agad.

Hindi mababakante si Direk Joyce kahit tapos na ang Stair­way to Heaven dahil shooting ang kanyang haharapin. Tata­pu­sin niya ang Aga-Regine movie at paghahandaan na rin ang part two ng Kimmy Dora ni Eugene Domingo.

Susundin nila ang schedule ng unang Kimmy Dora na Mayo nag­simula ang shooting at September din ang playdate. Kam­bal pa rin ang role ni Eugene at ang grupo pa rin nila ni Piolo Pascual ang producer at tiyak na kasama pa rin sa cast si Dingdong.   

Show comments