'Di kasi makaarte, Nadine bagong 'tinik' sa mga kasama

Nadine Samonte replacing Sun­shine Dizon in Tinik sa Dib­dib: bane or boon?

Kung work attitude noon ang ini­rereklamo ng production staff kay Sunshine who was literally their “tinik sa dibdib,” ibang klaseng tinik naman ang bu­mabara sa “air duct” ngayon na si Nadine na pu­malit. Diu­mano, ang kahinaan sa pag-ar­te ni Nadine, na malayung-malayo kay Sunshine, ang ipinag­sisintir ng staff.

Pero kung meron mang magan­dang dulot ang pag-take over ni Nadine sa iniwang papel ng kan­yang predecessor, iyon ay ang mas mataas na ratings nito.

Well, you win some, you lose some.

* * *

May barely two months pa si Claudine Bar­retto to get her shape back bago magsimula sa kan­yang bagong proyekto sa GMA 7. Hindi kasi naging ma­ganda ang mga karaniwang feedback when pho­tographed during her contract-signing last week.

Bluntly, dahil sa pagiging malusog ni Claudine ay mahihiya ang ibang artistang gumaganap bilang ina, baka mawalan pa sila ng trabaho! And be­cause Claudine has a newfound home, kung saan nasa Siyete rin ang ex-boyfriend niyang si Mark Anthony Fernandez, hindi imposibleng magkasama sila.

But sorry to disappoint the still-existing Mark-Claudine fans, hindi na sila bagay gumanap bilang couple because of the actress’s motherly looks, ’no!

* * *

Una’t huling pagpapa­unlak ng interview na ni Jo­anne Quintas ang napa­nood n’yo sa Startalk nitong Sabado. May kina­laman ’yon sa umano’y affair sa pagitan nila ni Joey Marquez, pruwebang maituturing ang larawang kuha sa kanila na nagho-holding hands at a mall.

Unang depensa ni Joanne, bakit naman daw sa Gateway mall siya ide-date ni Joey? Eh, bakit naman hindi?

Ikalawa, kinomisyon lang naman daw siya ni Joey na gawin ang campaign photos nito tulad din daw ng ibang celebrities na kliyente rin niya.

Pero inamin ni Joanne na siya nga ang kasama ni Joey ng gabing ’yon, bagay na itinanggi naman ng aktor. So, who’s telling the truth?

Samantala, lahat na yata ng maaaring pagkakitaan ay pinasok na ni Joanne: From graphic artist to hairdresser. Katuwiran niya, tatlo ang kanyang anak (by her estranged husband Domini Primero), bukod pa rito’y magpa-Pasko pa.

Nanawagan din siya sa GMA 7 na isali siya sa soap. Dahil nga sa iba’t ibang larangang pinasok niya to make both ends meet, paano pa niya maisisingit ang lovelife?

Baka naman baligtad? Paano pa niya maisisingit ang rumaket kung bongga ang lovelife niya?

Show comments