Arnel Pineda mukhang tomboy sa kanyang buhok

SEEN : Mistulang tomboy si Arnel Pineda sa kanyang hairstyle.

If not for his moustache, mapagkakamalan na tibo si Arnel.

SCEEN : Naglagare kahapon si Lea Salonga. Nag-guest muna siya sa SOP upang i-promote ang kanyang Your Songs concert.

Nagmamadaling tumawid si Lea sa ASAP para sa promo pa rin ng kanyang concert sa PICC.

SEEN : Si Rob Stumvoll ang Pinoy Big Brother (PBB) housemate na pinatalsik mula sa bahay ni Big Brother sa PBB Double Up noong Sabado.

SCENE : Ang trying-hard attempt ng ASAP hosts na i-link si KC Concepcion kay Apl.de.Ap ng Black Eyed Peas.

SEEN : Payat at may korte ang katawan ni Sharon Cuneta sa first wave ng Mano Po 6: My Mother ad na lumabas kahapon sa mga diyaryo.

SCENE : Ang warm welcome kay Bayani Agbayani sa SOP at ang paghalik niya sa stage.

Pinasalamatan ni Bayani ang Kapamilya at ang mga executives ng ABS-CBN 2 sa live show ng GMA 7.

 SEEN : May slight improvement na ang SOP Fully Charged sa pangalawang linggo nito.

Pero “needs improvement” pa ang SOP bago ito sabihin na fully charged.

SCENE : Guwapo si Gabby Concepcion ngunit hindi ito nagbibigay sa kanya ng lisensya upang seryosohin at gawin na career ang pagkanta.

Sintunado kasi ang boses ng aktor.

SEEN : Ang nagmumurang eyebags ni Marian Rivera. Kailangan niya ng complete rest and sleep.

Show comments