Mother Ricky dumayo sa Laoag

MANILA, Philippines - Samahan natin sina Mother Ricky Reyes at ilang kaibigan sa pamamasyal sa Laoag City ngayong Linggo, alas diyes ng umaga sa QTV-11’s Life and Style with Gandang Ricky Reyes.

Uunahin nilang bibisitahin ang mga antigong simbahan na dinarayo ng mga Katoliko. Titikman nila ang iba-ibang pagkain at kakanin doon at rarampa sila sa mga matulaing tourist spots.

Sa Glitters, kakapanayamin ni Mother Ricky si Linabelle Villarica tungkol sa karanasan nito bilang negosyante at TV host. Isasalaysay din ni LV ang mga plano niya para sa Bulacan.

Abangan naman sa Great Hair Day ang mga modernong ayos ng buhok para sa mga abalang maybahay.

Show comments