Sino man ang nagbigay kay Judy Ann Santos ng titulong Reyna ng Teleserye ay hindi nagkamali dahil walang kokontra sa kanyang pasya. Kung sa iba naibigay ang titulo ay baka pag-awayan pa pero with Juday, puwede niyang tanganan ang korona na walang aagaw.
* * *
Sinabi raw ni Coco Martin na masaya siyang makapareha si Maja Salvador. Madalas daw kinakabahan siya’t pinagpapawisan dahil ang ganda-ganda ng young actress. Hindi kaya umiibig na si Coco sa kanyang co-star?
Pero itinanggi ito ng actor. Sinabi niya na ngayon pa lamang sila nagkakakilanlan ng aktres, ngayon pa lamang lumalalim ang kanilang pagkakaibigan.
* * *
Wala talaga akong masabi dito kay Manny Pacquiao. Habang patuloy ang pagiging kontrobersyal niya, patuloy din ang pagtanggap niya ng karangalan hindi lamang dito sa atin kundi maging sa labas ng bansa. Akalain mo pati sa US, kinokonsidera siya para maging athlete of the year. Wala akong masabi, congrats, Pacman!
Pero sana, mabigyan linaw na niya ang kontrobersiya na bumabalot sa kanyang katauhan ngayon. Hindi lamang para sa sarili niyang kapakanan kundi para rin sa kapakanan ng babaeng iniuugnay sa kanya. Hindi niya nakumbinsi ang mamamayan sa kanyang mga sinabi.
* * *
Star Awards For TV na bukas. Hinahangad ko na lamang na mairaos ito ng matagumpay ng mga myembro ng Philippine Movie Press Club (PMPC) na nag-effort rebyuhin ang lahat ng palabas sa TV para makapagbigay ng patas na hatol sa lahat ng programa at host.
Napakahirap siguro ng trabaho nila dahil bukod sa napakaraming panoorin sa telebisyon, marami rin ang magaganda, mahirap pumili hindi ng karapat- dapat kundi ng pinaka-maganda.
Ngayong tanghali ang simula ng deliberation ng mga miyembro. At kung babalikang-alaala ko ang mga narinig kong kuwento, siguradong mag-aaway-away na naman sila para maitawid ang inaakala nilang pinaka-magagaling.
Bongga naman ang presentation nila. First time magkakasama-sama ang Kapuso at Kapamilya stars sa isang palabas na mapapanood sa ABS-CBN.
Andiyan sina Vina Morales, Bea Alonzo, Nikki Gil, Shaina Magdayao, Gigger Boys, Richard Poon, Arnel Pineda, Charice Pempengco, Yeng Constantino, Laarni Lozada, Jed Madela, at marami pang ibang Kapamilya.
Sa panig ng GMA 7, mapapanood ang grupo ng Eat Bulaga tulad ng EB Babes, Allan K. Julia Clarete at Lougee.
Bukas, magkita-kita tayo sa Pagcor, Grand Theater, Ninoy Aquino Ave., Sucat, Paranaque, 6:00 p.m., para sa 23rd Star Awards for Television to be hosted by John Lloyd Cruz and Piolo Pascual, Alex Gonzaga and Ms. Carmina Villaroel. The live proceedings (with a delayed telecast on ABS-CBN-2’s Sunday’s Best, at 10:30 p.m.) is a production of VIP Access Media Productions. Directed by Eric Salud.