^

PSN Showbiz

Pagpapaputol ng ari ng bakla binantayan ni Howie

-

MANILA, Philippines - Sa ngalan ng kagandahan halos isang milyong piso na ang nagagastos ni Kristine Madrigal sa pagapapaopera ng kanyang ilong, pisngi, baba, hinaharap at balakang at tuhod. Pero isang operasyon na lang ang hinihintay ni Kristine para matupad ang kanyang pangarap—ang ipaputol ang kanyang ari para maging isang ganap na babae.

Halos siyam na buwang sinubaybayan ni Howie Severino at ng kanyang team ang pre-op transsexual na si Kristine na dating Vincent Christar Ibardolaza. Mula sa kanyang kahuli-huling kaarawan bilang isang lalaki, sa kanyang pagpasa ng korona bilang Miss Gay Philippines 2008, hanggang sa pagbisita niya sa kanyang probinsiya sa Aklan para kumonsulta sa kanyang mga kamag-anak at kaibigan hinggil sa kanyang papalapit na sex reassignment surgery ay ilan lamang sa makukulay na tagpo sa buhay ng isang natatanging Transpinay.

Naging tampok din ang isang transpinay na si Barbie na kaibigan at kalaban lagi ni Kristine sa mga gay beauty pageants. Nagpaopera si Barbie sa tulong ng kanyang nobyong Belgian na siyang gumastos ng mahigit kalahating milyon para sa kanyang operasyon. At nang naging ganap na Eba na si Barbie, pinakasalan pa siya ng kanyang nobyo sa Belgium.

 Huwag palalampasin ang huling pang-aniber­saryong dokumentaryo ng I-Witness. 

vuukle comment

AKLAN

BARBIE

EBA

HOWIE SEVERINO

HUWAG

KANYANG

KRISTINE

KRISTINE MADRIGAL

MISS GAY PHILIPPINES

VINCENT CHRISTAR IBARDOLAZA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with