Matutuloy din ang pagtatambal nina Judy Ann Santos at JC de Vera dahil ang actor ang leading man ng actress sa Judy Ann-Sarah Geronimo movie ng Viva Films. Na-consider din kasi si JC na makapareha ni Judy Ann sa Nurserye niya sa ABS-CBN, pero hindi naman lumipat sa Dos ang actor.
Big break kay JC na makasama si Judy Ann at tiyak na excited at nenerbyosin ito ‘pag nagsimula na ang shooting. Wala pang title ang movie to be directed by Wenn Deramas at si Luis Manzano naman daw ang makakapareha ni Sarah.
Sunud-sunod ang project ni JC dahil may special participation din siya sa Mano Po 6 at nasa cast ng ChristmasSerye ng GMA 7 na Sana Ngayong Pasko kasama sina Ms. Susan Roces, Gina Alajar, TJ Trinidad, Maxene Magalona, JC Tiuseco at Christopher de Leon.
Samantala, sa pagtatapos ng Special episode ng Dear Friend na pinagtatambalan nina JC at Jewel Mische, magkatuluyan pa kaya sina Troy (JC) at Yvette (Jewel) sa mga nangyari sa kanilang relasyon na involve si Ella (Ynna Asistio)?
* * *
Itinanggi ni Manny Valera, manager ni Zoren Legaspi na lilipat ang actor sa ABS-CBN dahil may bagong offer ang GMA 7 sa actor for a soap next year. Hindi pa namin natatanong si Manny kung totoo ang tsikang nagtaas ng talent fee si Zoren nang mapuri ang acting sa All My Life.
Anyway, sunud-sunod ang pelikula ni Zoren dahil sila ni Ruffa Gutierrez ang bida sa Ukay-Ukay episode ng Shake, Rattle & Roll XI at nasa Mano Po 6 din siya. Asawa ni Kris Aquino ang role ng actor sa Mano Po 6 at fiancé naman siya ni Ruffa sa SRR XI.
Ibinalita na rin ni Manny na four days to go na lang ang shooting ng Mano Po 6 at sa December 6, ang last shooting day nina Kris at Zoren. Sa Dec. 5, 6, at 8 naman ang last shooting day ni Sharon Cuneta na siya ring last shooting day ng movie.
* * *
Walang nagka-interes na interbyuhin ang isang guwapong actor na kasama sa pelikulang malapit nang ipalabas dahil parang nawala ang kanyang kinang. Hindi na mukhang artista ang actor na hindi man lang nag-effort na magbihis ng maayos para magmukhang artista.
Naniniwala ang press na may kinalaman ang break-up ng actor sa kanyang GF na nasa showbiz din para mawalan siya ng ganang mag-ayos. Parang tamad na tamad na itong magbihis, kaya kahit guwapo at pa-sexy, nawawalan ng interes sa kanya ang press.
* * *
I-a-announce this Sunday ang pumasok sa Final 14 ng StarStruck V at malalaman natin kung may pumasok sa walong worldwide aspirants o nakopo lahat ng local aspirants ang 14 slots? Sino nga kaya sa Top 28 ang nakapasa sa panlasa ng council members?
Bukas sa StarStruck Shout Out! na mapapanood after Chika Minute Explosive and before Family Feud, ipapakita ang mga eksena after the announcement of the Final 14. May umiyak at nagwala kaya sa mga umuwing luhaan?