Maja bilib sa Sisters

MANILA, Philippines - Ang aktres na si Maja Salvador ay masayang nagpo-promote ngayon ng Sisters Pantyliners. Bilib siya sa produkto lalo na ngayong season na ito na masasabing ideal gift na rin sa mga kababaihan ang pagbibigay ng pantyliner o sanitary napkin.

Isa si Maja sa mga talented actresses ng kanyang henerasyon. Siya rin ang ang isa sa mga magagaling sa kanilang batch pagdating sa pagsasayaw.

Kahit aktibo at super busy sa field niya, maingat pa rin si Maja pagdating sa sarili. Malinis siya sa katawan.

Sa katunayan, pinapayuhan niya ang mga kapwa babae na magpalit ng pantyliner dalawang beses isang araw para fresh pa rin ang pakiramdam. Sabi ni Maja, ang paggamit ng resealable pack ng Sisters Pantyliners ay magiging magaan dalhin kahit anong oras at kahit saan.

May eight o 20 packs ang Sisters Pantyliners sa presyong abot kaya na P10 (eight pads) at P21.75 (20 pads).

Masayang celebrity endorser si Maja ng Sisters Napkins and Pantyliners, na dalawang good quality products, dahil sumusuporta ang kumpanya sa mga socio-civic projects nagtutulak sa mga kabataang babae na mag-aral ng maigi at mag-excel sa ginagawa.

Kaya naman napili ang young actress ay dahil nakikita rin sa personality niya ang kabutihan, kasipagan, at ang pagpupursigi na maiayos ang katayuan sa buhay.

Show comments