Yasmien nilalaswa pa rin ni Baron!?

MANILA, Philippines - True kayang hanggang ngayon ay hindi pa rin ti­ni­t­igilan ni Baron Geisler si Yasmien Kurdi? Isang source ang nagkuwento na nagti-text pa rin ng mala­laswa ang aktor kay Yasmien? Pero teka, hindi ba nagpalit ng number si Yasmien. Unless nalaman uli ni Baron ang bagong number ng young actress?

Hindi itinuloy ni Yasmien ang demanda noon sa aktor dahil balitang may pumigil sa kanya pero naka-blotter naman daw ito.

* * *

Hindi pala natuloy ang teleserye sanang pagsa­samahan nina Gretchen at Claudine Barretto sa ABS-CBN kaya nag-decide na itong lumipat sa GMA7.

Eh gusto na raw talaga nitong magtrabaho dahil matagal na itong jobless.

Belong na si Claudine sa maraming artista ng ABS-CBN na naglipatan sa GMA 7.

* * *

 “Cristine Reyes & I will be shooting a movie together SOON! ABANGAN!” tsika ni Ruffa Gutierrez sa kanyang Twitter account.

* * *

Hindi naging magarbo ang second birthday celebration ng anak ng mag-asawang Andrea Bautista-Ynares at Rizal Governor Junjun Ynares na si Cassandra Danielle.

Mas pinili nila ang isang salu-salo kasama ang 700 na mga bata mula sa daycare center sa isang barangay sa Antipolo.

“Mas masaya mare. Kasi enjoy ang mga bata. Nakipagtsika sa kanila si Cass,” balita ni Mareng Andeng na ngayon ay magli-limang buwang buntis sa pangalawang baby nila ni Gov.

Dumating daw sa nasabing salu-salo ang youngest sister ni gov. na si Mia Ynares at ang pa­mangkin ni Andeng na si Jolo Revilla.

Bukod sa kainan, namigay din sila ng laruan at nakipagsayawan ang bagets na si Cass.

* * *

Feel yatang maging prinsesa ng horror nitong si Maja Salvador. Aba pagkatapos niyang gawin ang nakakapangilabot na Villa Estrella at Sukob, horror na naman ang pelikula niya sa 2009 Metro Manila Film Festival. Siya ang bida Diablo episode ng Shake, Rattle and Roll 11 ng Regal Films.

Sa direksiyon ni Rico Guttierrez, ang Diablo ay maglalahad ng kuwento ni Claire, isang batang doktor na gagambalain ng isang pasyenteng may kakaibang sakit. Dadalhin si Claire sa isang pari, Fr. Ronnie, na dati niyang naging boyfriend, hanggang manumbalik ang kanilang magandang pagti­tinginan at magkasama nilang haharapin ang diablo.

“Fan talaga ako ng Shake, Rattle, and Roll movies,” sabi ni Maja. “Pangarap ko talaga na maging part ng SRR. 

Ipinagmalaki ni Maja na nakabibilib at nakamamangha ang production, lighting, at make-up design ng Diablo.

“Nagpapasalamat ako sa tiwala ng Regal sa akin,” lahad pa ni Maja. “Excited talaga ako sa project na ‘to.” (Salve V. Asis)

Show comments