MANILA, Philippines - Simula nang i-launch noong Mayo, naging paborito at popular na pasyalan na ang Nido Fortified Science Discovery Center ng mga batang estudyante at ang kanilang pamilya na naging interesado sa science.
Ang partnership ng Nestlé Philippines, Inc.’s (NPI) Nido Fortified at ang Science Discovery Center ng SM Mall ay parte ng adbokasiya ng edukasyon sa agham.
Ang mithiin nila ay mapagbuti pa ang science competency ng bansa sa pagbibigay ng pagkakataon na maranasan ng mga bata at ng pamilya na i-enjoy ang siyensa sa hindi seryosong paraan.
“The Nido Fortified Science Discovery Center provides a stimulating environment wherein children can freely explore different science concepts. It is also a good place for kids to bond with their moms as they learn more about the world around them,” sabi ni Susana Aquino, consumer marketing manager ng Nido Fortified.
Malaki ang venue, nasa ground level ang DigiStar Planetarium na mala-theater sa laki at kayang magkasya ang 160 tao.
Sa second level naman makikita ang mga robots at mga ginayang tall buildings na gustung-gusto ng mga bagets. May mga graphic panels at replicas dito ng mga popular na robot na nasa history at pelikula.
Ang Nido Fortified Science Discovery Center ay nasa south side ng Entertainment Building ng mall at bukas buong linggo mula 10:00 a.m. hanggang 10:00 p.m.