Robert mas nakaka-in love
MANILA, Philippines - Nakilala sa buong mundo dahil sa pagganap bilang Edward Cullen sa matagumpay na Twilight noong 2008, si Robert Pattinson ay hindi lang aktor kundi isang modelo at musikero. Nahirang na isa sa Sexiest Men Alive, si Rob ay nagbabalik sa pinakahihintay na sequel na nagluklok sa kanya bilang superstar. Pinamagatang The Twilight Saga: New Moon, dito’y masasaksihan ang kakaibang pagmamahal at pakikipagsapalaran ni Edward bilang bampira na lalo pang naging masalimuot at mapanganib dahil sa namuong relasyon ni Bella Swan (Kristen Stewart) kay Jacob Black (Taylor Lautner) na isang werewolf. Kasalukuyan na itong napapanood sa mga sinehan sa bansa.
- Latest