Darna mania, tuloy pa rin!

MANILA, Philippines - Mainit pa rin ang Darna Mania dahil sa makapigil-hiningang pakikipag­sa­palaran ng classic Pinay superhero.

Base sa data mula sa AGB Nielsen Philip­pines, nakapagtala ang Darna ng average household rating na 32.8% mula Oktubre 1 hanggang Oktubre 30 sa Mega Manila. Idagdag pa na sa nasabing buwan ay nakapagtala ang Darna ng audience share rating na 47.1% at may projected viewers na 1,269,988. 

Ang tuluy-tuloy na Darna Mania ay hindi lang dahil sa power­house cast ng programa na pina­ngungunahan ng Primetime Queen na si Marian Rivera bilang Narda at Darna kundi pati na ang kaabang-abang na kuwento nito.

Lalo pang umiigting ang istorya dahil nga­yong nakuha na ni Dar­na ang mga kapang­ya­rihang kai­langan niya, mas ma­ra­mi namang dara­ting na pagsubok sa buhay niya.

Nagbalik na sa bu­hay ni Narda si Pancho (Den­nis Trillo), ang ka­ba­­bata niya sa ampu­nan na isa na ngayong pulis at tutulong para ma­panatili ang kapaya­paan sa San Martin. Pero kung nasugpo na ni Darna ang mga super­villains na sina Ba­baeng Impakta (Nadine Samonte), Babaeng Lawin (Ehra Madrigal) at Baba­eng Tuod (Fran­cine Prieto), paano kung dumating ang isa sa mga matinding su­per­villains na si Ba­baeng Linta (Maggie Wilson)? Makaya kaya ni Darna ang palabang ha­limaw na ito?

Show comments