Malaki ang pasasalamat ni Heart Evangelista dahil maganda ang pag-aalagang ginagawa sa kanya ng GMA 7.
Sa presscon ng kanyang pinaka-huling teleserye sa Kapuso Network na Full House ay sinabi niyang “I can not ask for more sa pag-aalagang ginagawa sa akin ng GMA. They treat me nice here, takes very good care of me, gives me work. Walang ka-tensiyon-tensiyon ang pagtatrabaho ko rito, ” pagmamalaki niya.
May nagtanong kung mabigyan siya ng pagkakataon ay babalik ba siya ng ABS CBN?
“No masaya na ako where I am now,” mariin niyang sabi.
Sinabi niyang wala silang masyadong romantic scenes ni Richard Gutierrez sa serye. Pero may mga kissing scenes sila. Isa rito ay ginawa sa isang mataong arcade.
Second time na nilang nagkasama ni Richard kaya sobrang comfortable na siya rito. But it is not enough for her to fall for him.
“Hindi ko na priority ang love. Good friends kami ngayon ni Chard, I can not tell what will happen in the future. I’ll just have to leave it to chance,” dagdag pa niya.
Meanwhile, she’s dating an ex-boyfriend whom she met after a long time.
“We were both busy when we first got involved. I was busy with my career, si Ian (Dy) was busy with his studies.
“Now, were getting to know each other more. We have decided to date pero, wala munang commitment. Mas mabuti ito, hindi ako mababaliw. Praning kasi ako kapag in love ako,” dagdag pa ni Heart who portrays a struggling writer (Jessie) na sa ‘di inaasahang pagkakataon ay nanalo ng isang libreng bakasyon sa isang lugar na pupuntahan din ng sikat na actor na si Justin (Richard Gutierrez).
* * *
Muling nagtatambal ang ex-lovers na sina Roxanne Guinoo at Jake Cuenca sa Your Song, Sa Kanya Pa Rin na nagsimula nung Linggo.
Matagal-tagal na rin buhat nang huling TV reunion ng dalawa. Ipinahayag ni Roxanne na natutuwa siyang makatrabaho muli ang kanyang ex-boyfriend.
Samantala, lubos naman ang pasasalamat ni Jake sa isa na namang proyekto na ipinagkatiwala sa kanya ng ABS-CBN.
“Masaya ako at pinagkatiwalaan na naman ako ng Kapamilya Network ng isa na namang magandang proyekto… and with Roxanne pa.”
Nabanggit ni Jake na na-miss nitong makatrabaho sa isang serye ang ex-girlfriend.
* * *
Ewan ko lang kung magugustuhan ng Kimeralds na patuloy na gumanap ng kontrabida ang kanilang idolo na si Kim Chiu. Kontrabida kasi ang role niya sa isa pang MMFF ’09 entry ng Star Cinema, ang I Love You Goodbye, kontrabida ni Angelica Panganiban. Ngayon pa lamang ay mai-imagine n’yo na kung anong effort ang kailangang i-exert ni Kim para hindi mapag-iwanan ng napaka-galing na si Angelica.