^

PSN Showbiz

Akting ni Rio Locsin ngayon lang napansin

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Kitang-kita mo ang happiness sa mukha ni Rio Locsin nang sa kauna-unahang pagkakataon ay manalo ito ng best supporting actress award sa katatapos na Cinema One Originals Awards para sa kanyang role sa indie movie na Si Banig, Si Maymay at Ang Asong Si Bobo.

Tama lang na matuwa si Rio dahil napakatagal na niyang artista at kinikilala na rin ang kanyang talento pero ngayon pa lamang pala siya nagka-award.

* * *

Mabuti naman at meron na palang acting career sa US si Jessica Rodriguez. Kaya balak na nilang manatili doon ng kanyang asawang si David Bunevacz. Nakapagsimula na rin sila ng negosyo roon.

Good luck sa kanila. Sana man lamang para tuluyang malinis ang pangalan nila ay maayos nilang lahat ang mga iniwan nilang problema dito. Para naman kung gustuhin nilang magbakasyon dito ay madali nilang magagawa.

* * *

Mapapawi na rin ang pag-aalala ng mga tagasubaybay ng mag-asawang Christopher de Leon at Sandy Andolong. Maayos na ang kalagayan ng karamdaman ni Sandy at mismong si Boyet ang nagpatotoo nito.

May bagong palabas si Boyet sa GMA. Makakasama niya rito ang bagong Kapusong si Susan Roces. Isa itong Christmas series na mapapanood sa buong buwan ng Disyembre.

* * *

O sinabi na ni Manny Pacquiao na magkaibigan lamang sila ni Krista Ranillo. Kaya palagi silang magkasama ay dahil may movie silang ginagawa na magkasama.

Okay kung tatanggapin n’yo ito o hindi. Pero parang hindi naman tama na pati yung mga larawan ni Manny na kasama sina Krista at maging ang ama nito na si Mat Ranillo ay binibigyan ng kulay. Bakit hindi na ba sila puwedeng magkasama-sama sa isang affair? Hindi naman kaila sa lahat na kasama ang mag-aama sa grupo ni Manny na pumunta ng Vegas para panoorin ang huling laban ni Pacquiao.

Wala akong kinakampihan pero, habang nagtatagal ay parang nagiging napaka-lupit na natin gayung wala pa naman tayong napapatunayan.

vuukle comment

ANG ASONG SI BOBO

BOYET

CINEMA ONE ORIGINALS AWARDS

DAVID BUNEVACZ

JESSICA RODRIGUEZ

KAYA

KRISTA RANILLO

MAT RANILLO

RIO LOCSIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with