Cinema One Originals isang tagumpay para sa indie scene
MANILA, Philippines - Sunod nang matagumpay na premiere night kamakailan ng limang independent film entries ng leading movie cable channel sa bansa, ang Cinema One, sa pamamagitan ng Cinema One Originals project, natapos ang film festival sa isang Cinema One Originals Awards Night sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.
Marami sa mga local at foreign filmmakers at indie movie fanatics, maging ang cast at crew ng mga pelikula at iba’t ibang celebrities, ang dumalo sa awards night upang suportahan ang limang Cinema One Originals finalists: Maximus & Minimus, Wanted: Border, Bala Bala, Paano Ko Sasabihin, at Si Maymay Si Baning at ang Asong Si Bobo.
Naging engrande at masaya ang gabi dahil sa mga hosts nito, ang grand slam winning actor at Drama Prince Piolo Pascual at ang bagong box-office star Eugene Domingo. Nakasama ang mga batikang filmmakers tulad nina Danny Zialcita, Cannes Film Festival director Brillante Mendoza, blockbuster directors kasama na sina Joyce Bernal at Cathy Garcia-Molina. Naghandog din si Sam Milby ng di malilimutang number!
Walang tema ang Cinema One Originals ngayong taon kung saan binubuo ang mga finalists ng sweet comedy Maximus & Minimus nina direktor Na Jamir at Jimmy Flores kasama ang mga bituing sina Cai Cortez, Baron Geisler, Mikel Campos, Liza Lorena at Malou Crisologo. Ang thriller na Wanted: Border ni director Ray Gibraltar at mga artistang sina Rosanna Roces at Raffy Tejada. Ang mystery-fantasy Bala Bala ng writer-director Melvin Brito at mga bituing sina Richard Quan, Glenda Resureccion, Jao Mapa, at Angel Jacob. Ang romantic comedy na Paano Ko Sasabihin na pinangungunahan nina Erich Gonzales at Enchong Dee at sa ilalim ng direksyon ni Richard Legaspi. Ang pambatang pelikula, Si Maymay Si Baning at ang Asong Si Bobo ng writer-director Rommel Tolentino kasama sina Rio Locsin, Simon Ibarra, at Gene Karley Largueza.
Ang mga nanalo ay:
Audience Choice Award: Paano Ko Sasabihin?
Best Music: Malek Lopez at Erwin Romulo, Wanted: Border
Best Sound: Mark Laccay, Bala-Bala
Best Production Design: Alf Alacapa, Jeffrey Winston Lazaro, at Amanda Nava, Wanted: Border
Best Editing: Anna Isabelle Matutina, Paano Ko Sasabihin?
Best Cinematography: Ogi Sugatan, Wanted: Border
Best Supporting Actor: Jan Harley Hicana Rebanal for playing Paeng in Si Baning Si Maymay At Ang Asong Si Bobo
Best Supporting Actress: Rio Locsin, Si Baning, Si Maymay At Ang Asong Si Bobo
Best Actress: Rosanna Roces, Wanted:Border
Best Actor: Mikel Campos, Maximus & Minimus
Best Screenplay: Ray Defante Gibraltar, Wanted: Border
Best Director: Ray Defante Gibraltar, Wanted: Border
Special Mention: Paano Ko Sasabihin? Written and directed by Richard Legaspi, Red Room Productions
Line producer: Karr Cotamora
Best Picture: Wanted: Border
Written and directed by Ray Defante Gibralta
Line producer, Ms. Chits Jimenez
Kasama sa hurado ang four-time grand slam winning actress at Star for All Seasons Vilma Santos, award-winning filmmaker Khavn dela Cruz, screenplay writer Armando Lao, ABS-CBN creative manager at award-winning writer Ricky Lee, at miyembro ng Manunuri ang Pelikulang Pilipino at Dean of the College of Mass Communication sa UP Diliman Rolando Tolentino.
- Latest