Dialogue ni Manny ayaw paniwalaan: 'Magkaibigan lang kami ni Krista'

SEEN: Ang pasasalamat ni Wendy Valdez sa kanyang mga sponsors pagkatapos nang pag-amin sa isyu na dating idini-deny niya, ang secret marriage nila ni Bruce Quebral at ang pagpapa-annul nito.

Talk is really cheap!

SCENE: May public clamor na i-replay ng GMA 7 ang Isang Tanong dahil late na ito nang ipalabas noong Linggo. Maganda ang concept ng Isang Tanong na nilahukan ng mga presidentiables.

SEEN: Si Miss Brazil Larissa Ramos ang newly crowned Miss Earth. Ang mga runner-up niya ay sina Miss Spain Alejandra Echevarria (Miss Earth Fire), Miss Venezuela Jessica Barboza (Miss Earth Water), at Miss Philippines Sandra Seifert (Miss Earth Air).

SCENE: Bukas ang balik nina Ogie Alcasid at Regine Velasquez mula sa Australia.

Dumalo sila sa kasal ni Michelle Van Eimereen at Mark Murrow.  

SEEN:  Impressive ang physical looks ng mga local contenders ng Starstruck V kesa sa mga contestants na galing sa ibang bansa.

SCENE: Ang PAGCOR Grand Theater ang venue ng 23rd Star Awards for TV at mapapanood ito sa Sunday’s Best ng ABS -CBN.

Ang ABS-CBN TV director Eric Salud ang direktor ng programa at si Johnny Manahan ng Star Magic ang recipient ng Excellence in Broadcasting Lifetime Achievement Award.

Scene: Huli na ang pagsasabi ni Manny Pacquiao na magkaibigan lamang sila ni Krista Ranillo. Mas tumatak sa mga tao ang kanyang unang pahayag nang tanungin siya tungkol kay Krista, ang “ No comment ako about that issue.”

Show comments