Generic ang napiling business name ni Dr. Hayden Kho, Jr. para sa itinayo niyang bar: It’s called Lounge. Not only is it generic, it’s also redundant, imagine someone saying, “Let’s go to Lounge Lounge!”
Pero hindi ito ang catch. Nakiuso na rin pala si Hayden sa ilang mga celebrities na may sariling line of scents. Dinig namin, there are at least three variants to choose from: Hidden Desire, Hidden Longing (what makes desire different from longing, aber?) and Hidden “something” (agenda kaya ’yun?).
For a jobless doctor like Hayden, saan kaya niya nakuha ang perang ipinuhunan para sa itinayong bar at mga pabango? For sure, ang isasagot ng suspindidong doktor: “Secret.”
Victoria’s Secret?
* * *
Hindi gaanong idinetalye ni Ogie Alcasid ang magiging kaganapan sa kasal ng kanyang ex-wife na si Michelle Van Eimereen sa Australia, basta naroon na sila ng kanyang kasintahang si Regine Velasquez na aawit ng And I Love You So.
Kung si Butch Francisco ang tatanungin, he doesn’t see anything wrong with Regine’s presence at the wedding. After all, kaibigan na rin naman ni Michelle si Regine.
Pero kung si Lolit Solis ang hiningan ng opinyon, she’d rather see Regine beg off na umapir sa kasal ni Michelle in anticipation of wagging tongues among the attendees, at makaagaw pa ng eksena ang Songbird sa mismong bride!
For me, ang pagkakaroon o kawalan ng delicadeza ni Regine is not the crux of the issue. To begin with, the Aussies hardly know Regine from Eve, ’no! Kung dito pa sa Pilipinas gaganapin ang kasal, big deal ’yon.
Ikalawa, I find it cool, seeing Michelle with her groom back-to-back with Ogie and Regine who have yet to announce their altar date. It’s only a testimonial that exes like Ogie and Michelle can live happily apart, yet magkaibigan pa rin.
* * *
Nauna nang magpatawag ng Christmas parties for the press ang ABS-CBN at TV5. Parehong nakaangkla ang tema sa mga pambatong programa ng dalawang istasyon: It’s Showtime ng Dos at Talentadong Pinoy ng Singko, both enjoining members of the press—whether individual or group— na magpakitang-gilas with whopping prizes up for grabs.
As in the past years, tuwing first week ng December ginaganap ng mga TV networks ang kanilang pa-party para sa entertainment media, their way of thanks para sa suporta sa kanilang mga proyekto/programa.
With it comes the realization that the station and the media are partners till death do them part.