Dismayado ang staff ng isang TV series nang dumating ang aktres na bida na mukhang tinamad maglinis ng buong katawan. Ang ganda-ganda ng face ng aktres, pero marumi ang mga kuko ng hitad.
Ayaw tanggapin ng staff na baka nagmamadali ang aktres, kaya face at katawan lang ang nilinis at nakalimutan ang mga kuko sa mga kamay at mga paa. Ilang beses nang may nababalitang ganito, but it seems, hindi pa rin careful ang mga artista sa personal hygiene.
* * *
Tuluy-tuloy ang taping ni Kris Aquino ng bagong soap ng ABS-CBN na Kung Tayo’y Magkakalayo dahil gusto nitong kundi sa birthday ng mom niyang si Mrs. Cory Aquino sa Jan. 25 ang airing ng soap ay before her birthday on February 14, 2010.
Iba’t iba ang location ng soap, may sa Fairview at Sta.Mesa. Ginagampanan ni Kris ang role ni Celine, mother ni Kim Chiu. Excited ang TV host-actress sa soap dahil tungkol sa mother-daughter relationship at dahil ang Patayin sa Sindak si Barbara pa ang primetime show niya.
Samantala, tuwang-tuwa tiyak si Kris dahil maganda ang ipinakita ni Sen. Noynoy Aquino sa Isang Tanong, ang presidential forum ng GMA 7 na umere last Sunday. Tuluy-tuloy ang sagot nito sa tanong ni Mel Tiangco.
* * *
First taping day ni Dingdong Dantes this Tuesday ng Family Feud, ang show na minana niya kay Richard Gomez. Ninerbiyos pero excited ang aktor sa bagong trabahong ibinigay sa kanya ng GMA 7 at kahit ngayon lang niya gagawin, nangakong he’ll do his best para magawa niya ng tama ang pagho-host ng Family Feud.
Hanggang April pa ang game show kaya mahahasa pa si Dingdong. Tama ang pagdating ng hosting job dahil matatapos na ang Stairway to Heaven at magho-host muna siya habang wala pang bagong soap for him.
Incidentally, masaya si Dingdong sa pagtatapos ng Stairway to Heaven, dahil sa mataas na ratings at magandang feedback ng viewers. Hindi lang sila ni Rhian Ramos ang rason kung bakit successful ang soap, kundi buong team from the writers, directors, and their co-stars.
* * *
Hindi na napahinga si Sheryl Cruz dahil noong Nov. 18 ang last taping day ng Rosalinda at Nov. 20 ay nag-report na siya sa taping ng Tinik sa Dibdib. Nang makausap namin, wala pa itong idea ng role niya sa bagong serye, pero okay sa kanya kung kontrabida role na naman ang labas dahil alam niya kung paano iibahin ang atake sa Valeria role niya sa Rosalinda.
Ikinatutuwa rin ni Sheryl na makakasama niya sa teleserye si Nadine Samonte na naging anak niya sa Bakekang at si Marvin Agustin na naging husband niya sa SRO Cinemaserye.
Dagdag pa ni Sheryl, sa hirap ng buhay ngayon, dapat hindi masyadong choosy sa mga project and she’s happy to be portraying roles na iba sa tunay niyang pagkatao.
* * *
Maganda ang interview nina Suzi Abrera at Christine Jacobs kina Amanda Coolley van Cooll, ang Sole Survivor sa season 2 ng Survivor Philippines: Palau lalo’t kasama niya sina Justine Ferrer at Jef Gaitan. May mga rebelasyon pa ang tatlo na hindi alam ng mga viewers.
Napapanood ang Full Time Moms, Monday to Friday, 7:30 PM, sa Q Channel 11 at bukas, aalamin nina Christine at Suzi kung paano mag-celebrate ng Christmas ang powerful women. Guests sina Michelle Obambshell, Ate Gay, Ate Glow, at Sza-Zing.