Humanda sa twist na nakakakilig

MANILA, Philippines - Maghanda sa pinakamalaking twist ng Shining Inheritance ngayong Lunes, Nov. 23 dahil ilalabas na nina Inna at Juan ang espesyal nilang nararamdaman para sa isa’t isa.

Ilang linggo ng wagi ang Shining Inheritance sa ratings at lalo naman itong susubaybayan dahil aapaw sa nakakakilig na mga eksena ang buong linggo. Bakit kaya hindi na nag-aaway ang dalawa bagkus ay sweet na sweet pa?

Dapat ding abangan ang mainit na paghaharap nina Juan at Francis. Bakit susuntukin ni Juan si Francis?

Ang pinakamalaking twist ng Shining Inheritance ay mapapanood na pagkatapos ng Rosalinda ng GMA 7.  

Show comments