Santino kinabog ang mga sikat na artista ng ABS-CBN

Kinabog ni Santino, bida ng May Bukas Pa ang mga mas sikat sa kanyang talents ng ABS-CBN dahil litrato lang niya ang nakalagay sa invitation ng ABS-CBN para sa Christmas party for the press. Mala-May Bukas Pa ang invitation dahil sa contest na pagandahan ng panalangin kay Bro.

Pinaboran din ng TV5 ang number one show nilang Talentadong Pinoy ni Ryan Agoncillo dahil tinawag na Talentadong Press Party ang Christmas Party.

Hinihintay namin ang invites ng GMA 7 para pa rin sa kanilang Christmas party for the press. Aling show kaya at kaninong picture ang kanilang gagamitin? Kay Marian Rivera? Kay Rhian Ramos? Kay Dingdong Dantes o kay Richard Gutierrez? Exciting nang malaman!

Napansin din naming parehong may talent contest ang press sa Christmas party ng Channel 2 at TV5. Ngarag tuloy ang mga kasama naming press sa pag-iisip ng kakaibang talent.

* * *

Taping this Monday ng Talentadong Pinoy kung saan ang guests ni Ryan Agoncillo sina Paolo Bediones, Ethel Booba at Miriam Quiambao. Ano kaya ang masasabi ng GMA 7 na sa number one show ng TV5 ang reunion ng hosts ng Extra Challenge?

Masaya tiyak ang magiging kuwentuhan ng tatlo kasama si Ryan. Sa unang guesting ni Paolo sa Talentadong…, nagka-idea silang pagsamahin sa show sina Paolo at Ryan, hindi kaya magka-idea rin silang pagsama-samahin ang former hosts ng Extra Challenge sa isang show?

Kaya lang, loyal sa Channel 7 si Paolo at balita namin, may ino-offer na bagong show sa kanya for next year bago ang season 3 ng Survivor Philippines.

* * *

Kompleto na ang cast ng remake ng Working Girls na ipo-produce pa rin ng Viva Films and to be directed by Joey Reyes. Sina Ruffa Gutierrez, Iza Calzado, Jennylyn Mercado, Cristine Reyes, at Eugene Domingo ang bagong cast kasama si Gina Pareño na nasa original cast.

Wala pang nabanggit si Veronique del Rosario sa male cast dahil hindi kalakihan ang role ng mga lalake, kaya huli silang ikina-cast ng Viva Films. Next year na ang playdate ng movie, pero December pa lang, sisimulan na ang pre-production at baka pati shooting dahil sa schedule ng limang babae.

May cameo role ang original Working Girls na kinabibilangan nina Carmi Martin, Rio Locsin, Chanda Romero at Maria Isabel Lopez. Ang malabong makasama’y sina Baby Delgado at Hilda Koronel na based na sa States. Maganda rin sana kung may cameo rin sina Edu Manzano, Tommy Abuel at Robert Arevalo.

In-update ang karakter ng mga bida at may call center agent na sa kanila. Pinaka-kuwela ang role ni Ruffa bilang sikat na artista na puro retoke ang mukha at katawan. 

Show comments