MANILA, Philippines - Muling namayagpag ang ABS-CBN sa katatapos na Golden Dove Awards na taunang inoorganisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas (KBP) matapos itong humakot ng 24 parangal kabilang na ang Best TV station para sa ABS-CBN at Best AM station para sa DZMM.
Bukod pa sa dalawang major awards, nakuha rin ng top rating primetime drama series ng Dos na May Bukas Pa tampok si Zaijian “Santino” Jaranilla ang Best Drama Program award habang ang children’s show na Sineskwela ay nauwi ang Best Children’s Program.
Umariba rin ang mga programa ng ABS-CBN’s News and Current Affairs na TV Patrol World na nagwaging Best Newscast, Umagang Kay Ganda na Best Public Affairs Program, The Correspondents na Best Documentary Program, Matanglawin na Best Science and Technology Program, at Salamat Dok na pinarangalan namang Best Public Service Program.
Samantala, nanalo ng Best Television Public Service Announcements ang Kapamilya para sa kampanya nito noong Universal Children’s Day na Taguan at Best Television Station Promotional Material para sa Branding Campaign nito. Ang subsidiary naman nitong Studio 23 ay nagwaging Best Magazine Program para sa programang Us Girls na pinangungunahan nina Angel Aquino, Chesca Garcia at Iya Villania.
Wagi rin ang ABS-CBN TV 7 Laoag dahil nakamit nito ang Best Culture and Arts Program para sa palabas na Pamulinawen.
Para naman sa radyo, ang mga programa ng DZMM na 7AM Radyo Patrol Balita ang nanalong Best Newscast; Tambalang Failon at Sanchez para sa Best Public Affairs Program, Maalaala Mo Kaya sa DZMM para sa Best Drama Program, Sa Kabukiran para sa Best Science and Technology Program, Konsumer at Iba Pa para sa Best Public Service Program, at ang kampanyang One Hand para sa Best Television Station Promotional Material.
Kinilala rin ang mga DZMM anchors na sina Ted Failon bilang Best Public Affairs Program Host; Carl Balita bilang Best Public Service Program Host, Winnie Cordero bilang Best Games/Variety Program Host at Angelo Palmones bilang Best Science and Technology Journalist. Ang programa ng ABS-CBN’s regional AM station DYTC sa Tacloban ang pinarangalang Best Specials para sa MOR Local Vocal.
Ang ABS-CBN at DZMM ay parehong nagwaging Best TV at Best AM radio station noong nakaraang taon sa naturang award giving body na inorganisa ng KBP.
‘Iligtas natin ang Mundo’
Kahit madalas na nating marinig ang panawagan na iwasan ang mga bagay at gawi na nagpapalubha sa global warming ay di natin ito naaalala hanggang magkaroon ng mga baha, land slide, lindol, bagyo at ipu-ipo.
Ngayong Linggo, alas-diyes ng umaga sa Life and Style with Ricky Reyes QTV-11 ay panauhin ang Ms. Philippines Earth 2009 na si Sandra Seifert. Tatalakayin nila ang clean and green ng kapaligiran, wastong pagtatapon ng basura at recycling. Mananawagan din ang host-producer ng show na si Mader Ricky sa pamayanang Pinoy na tigilan na ang illegal logging at magtanim para panatilihing berde ang kalikasan.
Nasa larawan mula kaliwa sina Ms. Phil. Air 2009 Michelle Braun, Ms. Phil. Fire, Science and Technology Marie Tumulak, Mader Ricky, Sandra Seifert, Ms. Phil. Eco-Tourism 2009 Adie Adelantar at Ms. Phil. Earth runner-up 2009 Kristie Babor.
Matutunghayan naman sa Glitters hosted ni Linabelle Villarica ang kasaysayan ni Thelma Esteban na ang anak ay namatay matapos barilin ng isang di kilalang kriminal. Sa kabila ng pighati’y naipasiya ng ina na ituloy ang mga dakilang proyekto ng anak tulad ng drum and bugle corps, ati-Atihan at dance troupe para sa mga kabataang Bulakenyo.
Voice for a better life pinalabas sa TV5
Magaganda talaga ang mga palabas sa 5MAX Movies ng TV5 dahil maliban sa pagpapalabas nito ng Hollywood blockbusters at local Indie films ng Cinemalaya, napanood din ang mga telecast ng mga events and concerts tulad ng recently held music festival na Voice for a Better Life” for youth empowerment, na palabas kahapon.
Susundan ito ng comedy movie na Envy, starring Ben Stiller at Jack Black ngayong Linggo (November 22) on 5MAX Movies, 9:00 p.m on TV5.
Bawat eleksyon, ang mga dating problema ng bayan ay hinihimay ng mabuti. At sa mga ganitong panahon, madalas nating naririnig ang ilang mga plataporma at programa na nangangakong magpapabuti raw sa kundisyon ng bayan kung tayo ay boboto sa mga kandidato. Nilulubog tayo sa mga impormasyon, tama man o mali pero hindi ba’t magkakamukha rin ang lahat? Paano nga ba sila naiba?
Sa huling bilang, nasa 11 na ang mga nagpahayag ng kanilang interes para tumakbo sa pagka- pangulo: sina Senador Noynoy Aquino, Chiz Escudero, Richard Gordon, Jamby Madrigal, at Manny Villar. Ang mga gabinete ni PGMA na sina Gilbert Teodoro at Hermogenes Ebdane. Konsehal na si JC de los Reyes, ang religious preacher na si Bro. Eddie Villanueva, ang environmentalist na si Nick Perlas at maging si dating Pangulong Joseph Estrada. Sa bangungot na problemang mamanahin ng susunod na Pangulo, nagtataka tuloy ang marami, bakit nagkukumahog silang mangunang harapin ito?
Pangungunahan ito ng beteranong broadcast journalist na si Mike Enriquez.
Abangan ang Isang Tanong: The Presidential Forum ngayong Linggo Nobyembre 22 at Nobyembre 29, pagkatapos ng Show Me the Manny
Juday, hindi nakatikim ng Macho Dancer
Walang pangingiming inilantad ni Judy Ann Santos na hindi man lang niya naranasang magilingan ng isang macho dancer sa sarili niyang bridal shower dahil na rin sa pagbabawal ng asawang si Ryan Agoncillo.
“Kabilin-bilinan ni Ryan yun, so nirespeto ko siyempre yung kagustuhan niya,” sabi ni Juday.
Sa kabila nito ay hindi naman pinagbawalan ng award-winning actress si Ryan kung sakaling magdala ito ng seksing babae sa kanyang bachelor party.
“Given na kasi yun pag ganoon kaya ako naman hinahayaan ko na lang kasi parang iyon na yung huling araw na magkakaroon kayo ng bagay-bagay na sa inyo lang ng kaibigan mo,” dagdag ni Juday. “After ng mga party namin ay hindi na namin pinag-usapan kung ano nangyari.”
Kung para sa kanila ay okay lang ang ganitong uri ng eksena, maging ganito rin kaya ang pagtanggap ng karakter na ginagampanan nila sa romantic comedy ng Dos na George and Cecil ngayong Linggo (Nov 22) matapos mag-krus ang landas ng mag-asawa sa isang despedida de soltera?
Tunghayan pagkatapos ng Sharon sa ABS-CBN.
SOP fully charged na!
Simula na ngayong Linggo ang pinakabagong programang makapagpapasaya, makapagpapaindak at makapagpapakanta sa mga manonood mula sa Kapuso Network, ang SOP Fully Charged!
Mga bagong dance hits, mga pinakamaiinit na kanta at mga paboritong Kapuso stars ang sama-samang maghahatid ng pinakabagong saya sa SOP Fully Charged simula ngayong hapon sa pangunguna ng mga award-winning artists na sina Asia’s Songbird Regine Velasquez, Ultimate Singer and Songwriter Ogie Alcasid, King of Soul Janno at Queen of Soul Jaya.Tampok din rito ang may 100 celebrities.
Alamin kung sinu-sino ang mga masuwerteng nakapasok na contenders sa Starstruck V Top 30 at samahan ang buong cast ng Rosalinda sa pangunguna nina Carla Abellana at Geoff Eigenmann sa pagtatapos ng kanilang programa ngayong Linggo. Magiging bahagi rin sa SOP Fully Charged ang premiere ng music video ng Kaya Natin ‘To, ang unity song na nilikha ni Ogie Alcasid at kinanta ng halos 80 recording Filipino artists.
Matapos naman pahangain ang buong mundo sa pagkanta ng National Anthem sa laban ni Manny Pacquiao, babalik ang La Diva (Jonalyn Viray, Aicelle Santos and Maricris Garcia), para i-launch ang kanilang first album ng kanilang trio.
Hatid din ng SOP Fully Charged ang isang segment na kumokonekta sa maraming manonood at internet-savvy people.