Dion napapansin na

MANILA, Philippines - Gumaganda ang career ng young actor na si Dion Ignacio dahil matapos ang kapapalabas na Patient X ay siya ngayon ang endorser ng Vice Versa clothing ap­parel.

Napili ang aktor na mula sa GMA 7 dahil tulad ng T-shirt line, si Dion ay tahimik lamang pero may sariling niche following sa indus­triya dahil sa ang­king ta­lento at hitsura.

Adventurous at buhay na buhay din ang imahe ng Vice Versa na bagay sa mga lalaking edad kinse hanggang kwaren­ta. Ma­ganda ang mga kulay ng T-shirt na gawa ng Perfect Touch Gar­ment Ind., Inc. at kom­portableng isuot.

Makikita ang mga pos­ters ni Dion sa mga Vice Versa stores na available sa Robinsons Depart­ment, Ise­tann Rec­to, Ever Grand Central, Ocampo’s Metro Mall, Centro Group, Total Group, Mart I Group, N.E. Emporia, at Poulex. 

Show comments