Johnny Delgado namatay na!

MANILA, Philippines - Pumanaw na kahapon ang beteranong aktor na si Johnny Delgado.

Ayon sa mga text messages kahapon, nala­gu­tan ng hininga bandang ala-1:20 ng hapon ang ma­galing na aktor na naunang napaulat noong naka­­raang taon na dinapuan ng sakit na lymphoma o cancer of the lymph.

Dumaan umano sa chemotherapy ang aktor at nakakaagapay ang kanyang katawan dito.

Huling lumabas ang aktor sa pelikulang You Got Me ng Star Cinema kasama nina Toni Gonzaga at Sam Milby

Huli siyang napanood sa May Bukas Pa ng ABS-CBN. Binawian siya ng buhay sa edad na 60.

Show comments