Hindi ba worried si Krista Ranillo at maging ang kanyang mga magulang, lalo na ang kanyang amang si Archie Ranillo sa pagkakasangkot niya sa sigalot ng mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao?
Siguro dapat nang linisin ni Krista ang kanyang pangalan at huwag pumayag na kung kani-kanino na lang siya nali-link, kahit pa sabihing isang malaking tao si Manny Pacquiao. Unang-una na ay may asawa ito at magkasama lamang sila sa isang pelikula. Not unless may katotohanan ang isyu at nadadala na rin si Krista ng kasikatan ng kanyang kapartner.
Aba hija, mag-isip-isip ka. Ayaw mo naman sigurong maging kontrabida sa tunay na buhay.
* * *
I just hope na napasaya ko kahit bahagya ang Pasko ng maraming entertainment press na dumalo sa aking thanksgiving party na ginanap sa Teatrino nung Nob. 16.
Nagpasya akong gawin ito sa isang teatro dahil may inihanda akong isang maikling musical program habang kumakain ang lahat. Nag-perform ng libre sina Pilita Corrales, Mabuhay Singers, Martha Joy, Jake Vargas, Hero Angeles, Mico Aytona, at marami pang iba.
Ang pasasalamat ay dahil sa dalawang ulit kong pagkakapanalo bilang best supporting actor sa Star Awards at FAMAS para sa pelikulang Paupahan.
Nasa krisis pa rin naman ang bansa pero, nagawa kong makapanghingi ng ilang pa-raffle tulad ng 40-in. TV, cellphones, isa pang TV set, washing machine, refrigerator, blender, rice cooker, cash money at ilan pang appliances.
Salamat sa lahat nang nag-donate ng prizes, mga dumalo para tumulong sa aking mag-host ng party.
Salamat sa inyong lahat at maligayang Pasko.
* * *
Sana nga matupad na ang pangarap kong ma-revive ang That’s Entertainment. May mga lumalapit na sa akin at nagpapakita ng interes na iprodyus ang panghapong programa ko na naka-diskubre ng napakaraming artista na pinakikinabangan ngayon sa ating local entertainment scene. To name a few—Piolo Pascual, Judy Ann Santos, Lea Salonga, Billy Crawford, Lea Salonga, Rufa Mae Quinto, Isko Moreno, Jestoni Alarcon, Jean Garcia, Sheryl Cruz, Manilyn Reynes, Anna Roces, Vina Morales, at marami pang iba.