Kontrobersiyal na mag-asawa may utang na P4 milyon sa pamilya ni Dyan Castillejo; Jinkee magpapa-interview kay Kris Aquino, galit kay Manny at Krista isisiwalat

Seen : Taimtim na dasal para maging mabuti ang kalagayan ni Johnny Delgado ang dasal ng mga nagmamahal sa kanya. May kanser si Johnny.

Scene : Inaabangan ang pagpapainterbyu ni Jinkee Pacquiao kay Kris Aquino. Gustung-gusto ng mga tao na malaman ang tunay na damdamin ni Jinkee sa mga balita tungkol sa kanyang asawa at kay Krista Ranillo.

Seen : Sina Ara Mina at Krista Ranillo ang leading ladies ni Allen Dizon sa pelikulang Marino. Parehong na-link kay Manny Pacquiao sina Ara at Krista ngunit wala silang eksena na magkasama sa Marino.

Scene : Pinapupunta na sa Pilipinas ang mga nakapasa sa international audition ng Starstruck V. May dilemma ang mga pumasa dahil may mga pasok pa sila sa school.

Seen : Apat na milyong piso ang utang ng controversial couple sa pamilya ni Dyan Castillejo. Ipinagdarasal at umaasa si Dyan na mababayaran ang utang sa kanila.

Seen : Ex-Starstruck contestant ang isa sa male housemate sa PBB  Double Up. Hindi nakita ng Starstruck staff ang kanyang potensyal na sumikat.

Scene : Hindi pa nakakaabot sa 20% ang rating ng Kaya Kong Abutin Ang Langit at Tinik Sa Dibdib. Hindi pa napapantayan ang matataas na rating ng mga nakaraang Sine Novela ng GMA 7.

Show comments