Mahihirapang mag-deny

Walang big news sa showbiz kaya naka­sentro ang aten­siyon ng mga intrigero at intrigera sa Manny –Jinkee Pacquiao-Krista Ranillo controversy.

Nauungkat ang naka­raan gaya ng pagde-deny ni Krista na na-sight sila na magkasama ni Manny sa Hong Kong. Todo-deny si Krista dahil nagkasabay lang daw sila ni Manny sa flight.

Ang ending, true naman pala ang balita dahil nasundan ang maraming sighting kina Manny at Krista. Walang care na sumama si Krista sa pamimigay ni Manny ng relief goods sa mga biktima ni Ondoy.

Naging obvious na may itinatago sila dahil nakiusap ang mga kasama ni Manny na huwag kunan si Krista ng mga TV reporter na nag-cover.

Pinagpiyestahan ang balita na pumunta sa Las Vegas ang Ranillo family para manood ng laban nina Manny at Miguel Cotto.

Kaliwa’t kanan ang balita na nakita si Krista ng mga Pilipino sa Las Vegas pero walang mga litrato na lumabas hanggang may mag-upload sa Youtube ng video na magkasama sina Manny at Krista sa parking area ng isang TV network.

Mahihirapan na si Krista na mag-deny dahil malinaw na malinaw ang ebidensiya kaya quiet na lang ang drama niya.

Krista sinisisi

Si Krista ang sinisisi sa pagkakaroon ng lamat sa relasyon nina Manny at Jinkee. Alam niya na pamilyadong tao si Manny, nakipag-close pa siya sa mister ni Jinkee. Hindi siya naging discreet. Wala siyang pakialam kahit mabigyan ng malisya ang pagsama-sama niya sa mga lakad ni Manny.

Lalong tumitindi ang mga banat at tira kay Krista as in sobra na ang mga batikos sa kanya. Ang nakaka­loka, wala ni isa man sa miyembro ng pamilya niya ang nagtatanggol o nagde-deny na walang katotohanan ang mga tsismis na nakakasira sa kanyang image. Nakakasira raw o!

Enough of Krista

O siya, enough muna ang Krista news. Pag-usa­pan muna natin ang another K, si KC Concep­cion, ang bagong endorser ng Swatch.

KC Cares. Swatch Shares ang campaign ng Swatch para sa kanilang bagong endorser. Nagkaroon ng presscon ang Swatch para kay KC noong Martes at siyempre, invited ako.

Memorable sa akin ang presscon dahil nag-win ako sa raffle draw ng Swatch. Mababaw lang ang kaligayahan ko kaya tuwang-tuwa ako sa premyo na natanggap ko. Na-feel ko talaga na KC Cares, and Swatch Shares.

New Moon inaabangan

Mamayang gabi ang celebrity premiere ng New Moon sa Cinema 4 ng The Block sa SM North. Ang Startalk ang sponsor ng celebrity premiere ng inaabangan na Hollywood movie kaya iniimbitahan ko kayo na pumunta sa The Block para makita ninyo ang inyong favorite Kapuso stars.

Show comments