ABS-CBN gumawa ng Pinoy animation series

MANILA, Philippines - Kung dati ay mina­hal n’yo si Budong bilang Super Inggo, ngayong Nov­ember 22, 10:30 ng uma­ga, pagkatapos ng Ma­tang­lawin ay ma­ka­kasama n’yo si­yang muli ngunit bi­lang isang anime cha­racter na.

Siguradong mage-en­joy ang buong pa­milya sa special Super Inggo at ang Super Tro­pa ani­mation se­ries ng ABS-CBN.

Ang Super Inggo at ang Super Tropa ay ang kauna-unahang Pinoy anime series na mapapa­nood at pa­tuloy na mag­bi­bigay inspi­rasyon sa bawat kabataang Pilipi­no na may puso sa pag­tu­long sa kapwa.

Pinagkagastusan ng Kapamilya network ang ser­yeng ito na may dra­ma, action, at fan­tasy!

Thirteen weeks ma­pa­­panood ang ad­ven­tures ni Budong.

“We are very proud of this project,” sabi ni Ray­mund Dizon, bu­si­ness unit head. “Ta­la­gang masasabi naming Pinoy na Pinoy ito.”

Tutukan ang pina­ka­unang ani­mation series na gina­wa mis­mo ng mga Pili­pino para sa Pili­pino.

Huwag palampasin ang Super Inggo at ang Super Tropa ani­mation se­ries simu­la Novem­ber 22 (Ling­go) sa ABS-CBN!

Show comments