Aakalain mo na dahil nakikita mo si KC Concepcion na minamani lamang ang mga eksena niya sa Lovers In Paris ay dadaanan din niya ng walang kahirap-hirap ang kanyang mga lovescenes with Piolo Pascual.
“Hindi po totoo yun. Katunayan, hindi ako nakatulog sa kaiisip kung paano ko gagampanan ang mga ganung eksena, lalo na yung mga kissing scenes namin.
“It was nerve-wracking and exciting at the same time. It was not my first screen kiss but compared to the ones I did with Richard (Gutierrez, her partner in her first romantic movie), mas passionate yung kissing scene namin ni Piolo. Siya ang nag-initiate, sumunod lang ako,” anang anak ni Mega na parang isang experienced kisser na sa mga eksena nila ni Piolo.
* * *
Kung medyo nahirapan nung una si Gabby Concepcion na tanggapin ang pag-a-adopt legally ni Sen. Kiko Pangilinan kay KC Concepcion, walang naramdamang ganitong problema si Mo Twister sa gagawing pag-a-adopt ng napangasawa ng dati niyang girlfriend na si Bunny Paras sa anak nilang si Moira.
“I have no problem with that. I know Bunny’s husband, Tom, and I’m very supportive of their new relationship. Tom is mabait, a very good guy. His adopting my daughter will not affect my relationship with Moira. I will always be her father. Legally, mabuti ito for Moira,” sabi ng host ng Showbiz Central na isa sa binigyan ng pagkakataon na maka-one-on-one si Sec. Hillary Clinton nang dumating ito ng bansa.
* * *
Maganda at masaya yung Showtime ng ABS-CBN hosted by Anne Curtis and Vhong Navarro. Bagaman at mas marami ang nagpe-perform ng dance numbers kesa nagpapakita ng ibang talento, marami sa mga nagsasayaw ay galing pa ng mga probinsiya kaya alam na alam mo na hindi lamang taga-Maynila ang mga nanonood ng show.
Magandang concept yung pagpapalit ng mga judges, na ang kapalaran ay nakasalalay sa kamay ng mga manonood. Talagang aabangan mo kung sino ang matatanggal at kung sino ang matitirang kasama ng permanenteng judge na si Vice Ganda.
Palaging lima ang judges na sa katapusan ng linggo ay mapapalitan ang tatlo at madaragdagan din ng tatlong bago. Ang proseso ng pagpapalit sa kanila ang nagsisilbing malaking pahulaan kaya hindi nakapagtataka kung may mga judge na nagpaparinig sa mga manonood na huwag silang tanggalin at tulungan silang manatili sa show.