^

PSN Showbiz

Sa bawat P3.5-milyong endorsement: Angel kaya nang mabuhay kahit wala pang proyekto sa Dos

RATED A - Aster Amoyo -

Alam mo, Salve A., kahit wala pang bagong project si Angel Locsin sa ABS-CBN, kaya nitong maka-survive sa kinikita ng kanyang mga product endorsements dahil kumikita ito ng P3.5M (net of taxes) sa bawat produkto na kanyang ini-endorso. 

In fairness kay Angel, kabi-kabila ang kanyang mga product endorsements at may bago na naman siyang sisimulan na may kinalaman sa pag­papaganda.

As to her projects sa ABS-CBN at Star Cinema, may movie siyang sisi­mulan with Aga Muhlach sa Enero at may bago siyang teleserye with John Lloyd Cruz next year pero prior to this ay may iba pa siyang proyektong naka-line up.

* * *

Sina Don Jaime Zobel de Ayala at anak nitong si Bea ang nag-cut ng ceremonial ribbon sa kauna-unahang solo art exhibit ng award-winning actor-director at The Singing Bee TV host na si Cesar Montano na ginanap sa Glass Wing ng Ayala Museum sa Makati City nung nakaraang Sabado.

Ang art exhibit ng mga paintings ni Buboy (Cesar) ay tatagal hanggang Nov. 29, araw ng linggo.

Ang mag-amang Don Jaime at Bea ay impressed sa mga paintings ni Buboy in watercolor at oil at kung hindi ako nagkakamali, isa sa mga ito ay binili mismo ng super rich na si Don Jaime during the opening. 

Ang kikitain ng first art exhibit ni Buboy ay mapupunta sa kanyang itinatag na Panaghoy Children Foundation, Inc. na tumutulong sa pagpapaaral sa mga mahihirap pero deserving students sa Bohol.

Although maraming bagay ang pinagkaka­abalahan ni Buboy, hinding-hindi niya puwedeng talikuran ang kanyang pagpipinta na isa sa kanyang mga hobbies. Tinuturuan na rin niya ang kanyang tatlong anak (kay Sunshine) na sina Angeline Isabelle, Samantha Angelene, at Angel Fran­cesca na magpinta kapag may libre siyang oras.

Samantala, wala nang urungan ang pagtakbo ni Buboy sa pagka-gober­nador sa kanyang hometown sa Bohol sa darating na halalan. Tuwing weekends ay regular na nasa Bohol ang mag-asawang Buboy at Sunshine Cruz.

* * *

Nag-overnight stay lamang kami sa Las Vegas, Nevada at nag-stay kami sa magandang vacation house ni Tito Al Chu doon.

Sinubukan naming kon­takin ang dati kong alagang si Mikee Villa­nueva, dating member ng That’s Entertainment at contract talent ng OctoArts Films na naka-base na sa Las Vegas, pero hindi kami pinalad na siya’y makita.

Maganda ang buhay ni Mikee sa Las Vegas kasama ang kanyang asawang si Chris Cadiz at mga anak. Dahil sa aming limitadong oras, hindi na rin namin nagawang ikutin ang Las Vegas strip at hindi na rin namin nagawang silipin ang show ni Imelda Papin sa isang hotel doon.

Napakalaki na ng ipinagbago ng Las Vegas at patuloy ang maga­gan­dang development doon. Pero dahil sa recession, maraming mga vacation houses doon ang nilolooban at nililimas ang mga gamit at kasangkapan at kasama na rito ang bahay ni Tito Al na ninakawan ng brand new 50” LCD TV na naka-mount pa sa wall.

Ang isang bahay din doon na walang nakatira ay nilimas ang mga gamit. Bagsak ngayon ang mga properties sa Las Vegas kaya ang mga may pera ay nagsisibilihan doon.

* * *

Kamuntik nang hindi umabot ang mga featured artists ng ASAP Sessio­nistas na sina Nina, Sitti, Richard Poon, at Aiza Seguerra sa kanilang concert sa Forum Theater sa Anaheim, California nung nakaraang Biyernes ng gabi dahil sa gabi mismo ng kanilang arrival ang kani­lang show. Halos isang oras pa ang kanilang biyahe mula LA airport patungo sa kanilang venue sa Ana­heim. Dahil late nang naka­pagsimula ang concert, nagmulta ang pro­ducer nila pero hindi naman ininda dahil 98% puno ang pinagdausan ng concert.

Nakasabay sa eroplano nina Aiza, Nina, Sitti, at Richard sina Ricky Lo, Joe Barrameda, Jojo Gabinete, Jun Lalin, at Lhar Santiago. Si Ricky ay tumuloy sa Four Seasons Hotel sa Beverly Hills, si Jun sa SFO para sa Starstruck audition habang sina Jojo, Joebar at Lhar ay tumuloy sa kanilang paboritong hotel sa Anaheim.

Kinabukasan ng gabi ay pumasyal sina Jojo, Joebar at Lhar sa bahay ni Tito Al sa Anaheim at saka nagkayayaan na puntahan namin si Ricky sa sosyal nitong hotel sa Beverly Hills at nakasama sina Tim Evans at Boyet Arcega.

* * *

Personal: Ang aming pasasalamat kina Tito Al, Elizabeth, Kimberly, and Albert, Victoria Chu, Gengie Abobo, Rhyan Deles and Jim, Mhel Lago ng Wilshire Travel, Tony Cordova at ang mga ground staff ng Philippine Airlines sa LAX na sina Priscilla Pameno, Cecile Calleja, at Rod Go.

* * *

<[email protected]>

BEVERLY HILLS

BOHOL

BUBOY

DON JAIME

KANYANG

LAS VEGAS

SHY

TITO AL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with