P3 milyong pagkakamali

Ang ganda sigurong pagsamahin sa isang project ang Survivor runner-up na si Justine Fer­rer at si BB Gandanghari, isang successful transsexual at isang papunta pa lamang dun.

Naabutan ko yung finals ng Survivor at naisip ko na kung nanalo siya sa nasabing reality search ay okay lang. Maganda ang registration niya sa screen at ganundin naman in person. Save for that episode na kung saan naringgan ko siya ng mga masa­samang salita, top siya sa list ko. At bagaman at naintindihan ko ang pressure na dinaanan niya, still I believe na walang provocation ang puwedeng magtulak sa kanya to show his bad side. That was a costly mistake, nagkahalaga yun ng P3 milyon and a title.

Sana lang makabawi siya sa kanyang napaka-la­king pagkakamali. Sana nga mapasikat siya ng GMA, who I believe will do its best to turn him into a big personality.

* * *

Balak ko ring itulak ang mga career nina Jake Vargas, Mico Aytona at Hero Angeles sa 2010.

Dati ay inuunti-unti ko lamang sila, ayaw kong biglain dahil katuwiran ko mga bata pa sila pero, sa nakikita ko unfair naman kong daanan na lamang sila ng magagandang oportunidad.

Si Jake, I’m grateful na unti-unti na siyang na­pa­pansin, dumarami na rin ang mga projects niya. If he’ll play his cards well, he’ll be a big star in the future.

Si Mico naman, unti-unti na rin pumapalaot. Ang maganda sa kanya, puwede siyang host at artista although he is basically a singer. Alam niya kung ano ang puwede niyang ibigay depende sa hinihingi ng pagkakataon.

Kay Hero ako labis na nanghihinayang, because he’ such a talented guy. Marami siyang alam at marunong maging writer, director, actor at host. Wala kang ibibigay sa kanyang trabaho na hindi niya kakayanin.

His former partner, Sandara Park has found her place in Korean showbusiness, sana makita na rin ni Hero ang kanyang karapat-dapat na lugar sa local showbiz.

* * *

Maski siguro walang relasyon sina Ding­­­dong Dantes at Marian Rivera, kapuri-puri yung ginagawa niyang pag­tatanggol dito sa ka­salukuyang character assassination na isi­nasagawa ng mga de­trac­tors ng aktres tungkol sa sinasabing panunulak nito sa isang batang fan.

Ako rin nagtataka sa patuloy na paninira kay Marian.

Dingdong swears na hindi magagawa ni Ma­rian ang manulak ng isang bata. Love nito ang mga bata.

* * *

Si Paolo Bediones, tuluyan na bang mawa­wala sa Kapuso channel? Kailangan sigurong mag-usap sila ng GMA para naman ma-bridge kung anumang gap meron sila. He has served the station for so many years now, anumang problema o reklamo meron siya ay puwede naman sigurong pakinggan. He has been an asset to GMA, and I’m sure madaling maremedyuhan anumang problema meron siya.

Show comments