Ni anino pati ng kapamilya, Krista 'di nagpakita sa laban ni Manny; Manny at Jinkee nag-away!?

Win si Manny Pacquiao sa laban nila kahapon ni Miguel Cotto.

Siyempre, natuwa ako para sa ating bayan at para sa typhoon victims.

Nagkaroon sila ng kasiyahan sa gitna ng mga kalamidad na nanalanta sa ating bayan.

Naloka lang ako dahil palaban si Cotto. Masyado niyang pinagod si Manny. May moment na nag-alala ako na baka malusutan niya si Manny pero hindi ito nangyari dahil ibang klase ang bilis ng ating manok.

Manok daw o!

* * *

Ang magbakasyon ang plano ni Manny dahil napagod siya nang husto sa laban nila ni Cotto.

Gusto raw niya na makasama ang kanyang pamilya at to have fun. Kung anuman ang fun na yon, tanging si Manny ang nakakaalam.

* * *

Nabigo ang mga reporter na nag-abang sa entrance ng MGM Hotel dahil hindi nila na-sight si Krista Ranillo at ang pamilya nito.

Nag-hope sila na makukunan nila ng litrato at maiinterbyu si Krista pero Luz Valdez ang kanilang drama. Ni anino ni Krista, hindi nila na-sight.

* * *

Kesehodang pagod si Manny, hindi kaagad siya nagpahinga sa kanyang kuwarto.

Ibinalita agad sa GMA News Flash na nag-join si Manny sa After-Fight Party.

Hinintay ng mga tao ang kanyang pagdating dahil gusto nila na marinig ang pag-sing ni Manny.

Nag-perform ang MP band sa party. Sa name pa lang, obvious na banda ni Manny ang MP Band.

* * *

How true Mama Salve na ayaw magpa-interview ni Jinkee?

Nagkaroon din daw ng matinding away ang mag-asawa.

Show comments